Advertisers

Advertisers

ANO ANG PAKINABANG KUNG BABAYARAN NI MARCOS ANG UTANG NA P203B ESTATE TAX?

0 208

Advertisers

KUNG magbabayad ang pamilya Marcos sa P203 bilyong utang nila sa Estate Tax sa gobyerno, maaaring magamit ang naturang halaga sa pagbili ng 157,000 ICU beds, o 52,000 General X-Ray facilities na makatutulong sa mahigit 877,600 COVID-19 patients.

Ayon kay senatorial aspirant Alex Lacson, sakaling masingil ang utang ng pamilya Marcos, maaaring makapagpatayo ang gobyerno ng 81,200 silid-aralan at 13,533 kilometrong farm-to-market road, o bumili ng 135,333 patrol cars para sa pulisya.

“Ganyan kalaki ang sisingilin mula sa mga Marcos,” ayon kay Lacson. “Kung nabayaran sana ito noong 1999 nang naging final and executory sa Supreme Court ang halagang P23 bilyon, eh ‘di sana hindi na ito lumobo sa P203 bilyon.”



“But the Marcos family continues to employ legal maneuvers to escape liability,” giit ng abogado na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem.

“Kaya ang kawawa, mga karaniwang Filipino,” aniya. “Kung nasingil sana ito at naidagdag sa panggastos sa napakaraming programa ng pamahalaan, nakapagdulot sana ito ng ginhawa sa mga mamamayan, lalo na noong kasagsagan ng pandemya.”

Iginiit pa ni Lacson na kapag nasingil ang utang ng mga Marcos, maaaring mabawasan ang kakulangan sa silid-aralan na umaabot sa 123,994.

“Kaya nitong pondohan ang 70% ng pangangailangan ng Universal Health Care Act sa susunod na limang taon,” dagdag ni Lacson .

“Nagamit sana ito ng 5.8 milyon na mamamayang mayroong TB,” giit pa niya. “Isama na natin ang 2.03 milyong taong may cancer, o 8.12 milyong mamamayang may HIV na matutulungan sana kung nasingil ang halagang ito.”



“Nakapagpatayo din sana ng 406,000 na pabahay para sa mahihirap na pamilya, o 88 na ospital na may sampung palapag,” ayon sa senatorial candidate.

“Nakapagbigay na rin sana tayo ng ayuda sa 20.5 milyong pamilya na tig-P9,900 bawat isa, or nakapagpaaral ng 422,000 na iskolar,” dagdag niya.

Bukod dito, maaaring magamit ang di nakokolektang estate taxes mula sa pamilya Marcos sa pagbabayad sa sahod ng nars, maraming doktor o titser, at pulis.

“Marami sana tayong nagawa sa perang ito. Pero ano ang nangyari? Pilit na iniiwasang bayaran ng pamilya Marcos,” giit niya.

“Tapos gusto pang maging pangulo ng Pilipinas, eh hindi naman marunong magbayad ng buwis.”