Advertisers
MATINDING sumbong ang natanggap natin dear readers at mga masusugid na tagasubaybay ng REALIDAD dito sa Police Files Tonite.
Patungkol ito sa isang Barangay diyan sa Tondo, Maynila.
Patong umano sa kalakalan ng droga sa nasabing lugar ang mismong Barangay Chairman ng kanilang lugar maging at ilang mga Barangay Kagawad at mga tanod.
Karamihan umano sa mga designated tanod ni Chairman BUGOK ay kundi may drug users ay mismong mga tulak ng shabu.
Dedma lamang umano si Chairman Bugok sa mga kahayupang ito na nangyayari sa kanyang hurisdiksyon dahil busog na busog sa payola o ‘drug money’ang pindeho.
Hindi pa man nakakababa ng poder si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay largado na naman ang bentahan ng droga sa ilang area gaya nga ng tinguriang BARANGAY DROGA ng Tondo, Maynila.
Inutil din ang Manila Police District (MPD) Station 7 dahil na rin sa regular na pinalalamon ng intelihensiya ng mga Kagawad cum tulak ng Barangay Droga.
Hindi na po natin tutukuyin pa kung anong eksaktong barangay dyan sa Tondo ang ating tinutukoy.
Pero kung interesado dito si General Paco Francisco na malaman ang exact location ng barangay ni Chairman Bugok ay ibubulong na lamang natin sa kanya.
Kung baga sa istilo sa Ssnado natin, sa isang ‘EXECUTIVE SESSION’ kung saan direktang mapapasakamay ni General Paco Francisco ang mga A-1 infos at di magli-leak sa ating mga patong na pulis.
Mistulang mga zombies na umano ang karamihan sa mga constituents ni Chairman Bugok dahil parang candy na lamang na mabibili sa bawat sulok-sulok ang shabu sa kanyang mga barangay.
No doubt kaya gising ng buong magdamag at maghapon ang mga barangay tanod ni Chairman Bugok kasi nga naka-Vitamin S de pataranta pala ang mga tarantado.
Dilat na dilat at nanlalaki na mamula-mula ang mga mata.
Kaya pala marami sa mga barangay tanod ni Chairman bugok ang mga ngiwi ang pagmumukha at pawang mga utal na inurungan ng dila.
‘Yan po kasi ang common manifestation ng isang indibidwal na lulong sa shabu at ipinagbabawal na gamot.
Kaya naman pala napakataas ng crime rate sa area ni Kapitan eh dahil napakaraming addictus sa kanyang AOR.
Ang masakit, mismong mga kagawad niya at mga tanod ang nagsisilbing mga TULAK ng ipinagbabawal na gamot.
Mga may tahid na pong mga tulak ang tinutukoy natin Gen. Francisco sir.
Nasa ganyang negosayo na po sa nasabing lugar ng may ilang dekada.
Again Gen. Francisco sir, as far as I knew, isa sa mga dahilan ng Philippine National Police kung bakit ikaw ang itinalaga diyang bilang District Director sa MPD ay dahil mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na ikaw ang ipuwesto dyan dahil nga sa maganda mong track record patungkol sa paglaban sa Anti-drugs at anti-criminality operations.
Baka puwede mo namang sibakin na ang inutil na hepe ng MPD Station 7 na sinasabing regular na inaambunan ng payola mula sa grupo ni Chairman Bugok ng Barangay Droga, dyan sa Tondo, Maynila.
‘Yan ay kung ikaw pa nga si Gen. Francisco na uncorruptible at isang ‘staright’ na opisyal ng PNP.
Baka kasi sir nakaiin ka na rin ng ‘bulok’ na sistemang umiiral!
In fairness mukha namang hindi durugista itong si Chairman Bugok, ang siste nga lamang, masiba at ubod ng takaw sa kuwarta kaya nasisikmura ang mga mababahong kaganapan dyan sa nasabing lugar.
May karma Chairman Bugok!
Baka pagdating ng araw mabiktima ng isang talamak na adik ang isa sa iyong mahal sa buhay.
Remember Chairman, nasa huli ang pagsisisi.
May kasabihan tayong mga Pilipino ng ganire: “ang nabubuhay sa droga, sa droga rin nadidisgrasya hehehe!
Pakatandaan mo ‘yan Chairman Bugok ha!
“Tang inumin mo CHAIRMAN, hindot ka”!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com