Advertisers

Advertisers

LUNAS, No. 3 na sa pinakahuling survey

0 520

Advertisers

Umarangkada na ang LUNAS Partylist sa pinakahuling survey kung saan nasa Top 3  na ito sa hanay ng mga most trusted partylist organizations sa  Metro Manila.

Sa survey ng mga trust rating ng partylist groups  na isinagawa  mula Marso 1 hanggang Marso 31, 2022 ng Pilipinasnet.com, nasa No. 3 na ang posisyon ng  bagong partylist na LUNAS.

Pinasalamatan ni LUNAS Partylist first nominee Brian Raymund Yamsuan ang mga supporters ng LUNAS sa tiwalang pinagkaloob nila sa organisasyon, na ang pangunahing adbokasiya ay pangalagaan ang kapakanan at karapatan  ng mga ‘no-work, no-pay’ workers.



“Sa tingin namin ay napakinggan at maraming sumuporta sa  aming mensahe at adbokasiya na kailangang pagtuunan na ng pansin ang kalagayan ng mga ‘no-work, no-pay’ workers,” ani Yamsuan.

Milyun-milyong ‘no-work, no-pay’ na mga manggagawa tulad ng mga musikero, mga empleyado sa beauty salon, at mga food server sa restaurants ang nawalan ng kita sa kasagsagan ng pandemya at walang natakbuhan para mahingan ng saklolo sa panahong gipit sila.

Ayon pa kay Yamsuan, siya at ang ibang representante ng LUNAS ay walang tigil sa pag-ikot sa mga  komunidad sa Metro Manila at ibang parte ng bansa para pakinggan ang mga hinaing  at alamin ang mga problema ng mga ‘no’work, no-pay’ workers.

‘Kami rin ang personal na nagpapaliwanag sa kanila kung ano ang mga maaring LUNAS sa kanilang mga problema,” dagdag pa ni Yamsuan.

Ilan sa mga panukala ng LUNAS para maproteksyunan ang kapakanan ng mga ‘no-work, no-pay ay ang pagkakaroon nila ng kontrata sa kanilang employer para matiyak ang bayad sa kanilang serbisyo at ang ligtas na working conditions.



PInapanukala rin ng LUNAS ang pagkakaroon ng programa para mabigyan ng ayuda o makapangutang sa mababang interes ang mga ‘no-work, no-pay’ workers sa panahon ng kalamidad or krisis.

Ang LUNAS Partylist ay numero 58 sa balota sa halalan sa Mayo.

Ang survey ng Pilipinasnet.com ay kinomisyon ng AVO Research Institute.(BP)