Advertisers
Dumagsa ang libu-libong mga residente ng Oroquieta City sa people’s rally ni presidential candidate Manny Pacquiao na ginanap sa Bayfront Arena.
Sa taya ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, umabot sa labinlimang libong indibidwal ang nakiisa sa campaign rally.
Hindi napigilan ni Pacquiao na maging emosyonal sa harap ng mga Bisaya kung saan ikinuwento nito ang hirap na dinanas bago matamasa ang magandang buhay.
Muling sumentro ang talumpati sa pabahay, hanapbuhay at pagpapakulong sa mga tiwali sa gobyerno.
Nanawagan din ito sa mga tagasuporta na kausapin ang mga kapamilya, kaanak at kaibigan upang ipabatid ang mga plataporma ng senador para sa mahihirap.
Bago ang rally, nag-courtesy visit si Pacquiao kay Misamis Occidental Governor Philip Tan na una nang sumuporta sa kandidatura ng tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.