Advertisers
BAGO ang lahat, maraming salamat sa mga mababait na opisyal at staff na nagpapatakbo ng sikat na Grand Cafe 1919 na matatagpuan sa Juan Luna, Binondo.
Partikular na pasasalamat sa manager na si Sarah Jane Nahlen, supervisor na si Frits Castromero,waiter Jessie Machon at Dave Palermo, headwaiter. Bukod sa masarap ang pagkain sa Grand Café 1919 ay maasikaso, pawang magalang at mabait pa ang mga staff, lalo na ang kanilang manager na si Sarah.
***
“Ayaw n’yo magbago, babaguhin ko buhay niyo. Kung hindi niyo babaguhin, palitan ko birthday n’yo. Hindi ako nagbibiro,”
Ito ang naging hayagang banta ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa mga tiwaling pulis na patuloy na nasasangkot sa iligal na aktibidad partikular sa illegal drug at number games. Aminado si Gen. Danao na hanggang ngayon ay may mangilan-ngilan pa rin daw siyang namo-monitor sa hanay ng mga Police Officials at Non-Commissioned Officers na sangkot sa transaksyon ng iligal na droga at anya ay may kalalagyan ang mga ito.
There are still some, paisa-isa na napakatigas ng ulo n’yo. You will reap what you want. I am telling you, all right. Ngayon kapag ayaw n’yo talaga magbago, ibibigay ko iyong gusto n’yo,” ani Gen. Danao.
Titiyakin din daw niya na matatapos ang mga iligal na gawain ng mga ito sa kanyang pamumuno sa PNP.
Hindi rin daw mapapakinabangan ng mga pulis na ito ang mga perang nakuha nila sa iligal na gawain dahil kahit hindi raw maging four star general si Danao ay titiyakin niyang matatapos ang kalokohan ng iilang pulis na patuloy na yumayaman dahil sa iligal na droga.
Kung inyong magugunita, mismong si pangulong Duterte ang nagsabing may ilang police g
enerals ang sangkot sa illegal drugs nang magsimula siyang manungkulan bilang ika-16 na pangulo ng bansa.
Ilan sa mga kontrobersiyang ipinupukol sa PNP sa panahon ni Duterte ang summary killings , libong namatay sa government’s drug war, ransom and murder ng South Korean businessman, bukod sa mga napa ulat na corruption.
Samantala ay todo-papuri si Gen. Danao sa mga tauhan ng PDEG dahil sa matagumpay na drug operation sa Valenzuela City kung saan nakuha ang 27 kilos ng shabu at naaresto ang ilang drug suspek.
Gayundin sa mga operatibang nasa likod ng itinatayang aabot sa P68 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakuha sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga kamakailan lamang.
Matagal nang “overdue” ang pagkakatalaga ni Gen. Danao sa pinakamataas na posisyon ng PNP kaya sana naman ay ma-extend ito sa panahon ng papasok na administrasyon ng bagong proklamadong President Bongbong Marcos, Jr.
Bukod sa matalino at buo ang loob, may prinsipyo itong si Gen. Danao at talagang ubod ng galing pagdating sa trabaho. Siguradong titino ang hanay ng PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.