Advertisers

Advertisers

Mga kasong graft ng politiko, bilisan!

0 363

Advertisers

UNDER Marcos administration, sana bilisan ng mga korte ang paglitis sa matagal nang nakabinbin na mga kaso ng mga politiko lalo yung mga nahaharap sa Plunder.

Sa outgoing Duterte administration kasi ay napakabagal ng paglabas ng desisyon ng mga korte, mula sa Ombudsman, Sandiganbayan, Court of Appeals at Korte Suprema.

Kunsabagay, maaring idahilan dito ng mga korte ang pandemya ng Covid-19 kungsaan halos dalawang taon nakansela ang mga pagdinig sa mga kaso.



Pero ngayong halos nalusaw na ang nakamamatay na virus at nasa full operation na ang lahat ng korte, sana naman ay bilisan na ang paglilitis sa mga inaamag nang kaso ng mga politiko na nahaharap sa iba’t ibang katiwalian.

Kasi nga dahil sa bagal ng pag-usad ng mga kaso sa korte, ang politiko na nahaharap sa mga grabeng katiwalian ay paulit-ulit pang nare-reelect dahil sa pamimili ng boto.



Tulad nalang ng isang senador dyan na nahaharap sa Plunder sa Sandiganbayan. Dalawang beses na itong nakulong sa pandarambong. Ang una ay na-dismiss at ang panghuli ay pinayagan itong makapagpiyansa. Tumakbo nitong nakaraang eleksyon at nanalo. Back to the Senate na naman ito. Tsk tsk tsk…

Yung isang gobernador sa Visayas, nahatulan na ng “guilty” ng Sandiganbayan sa kanyang graft case, pero umapela sa Korte Suprema. Dahil natulog ang kaso rito, ayon nakatakbo uli at nanalo. Animal!



Ang dating gobernador na congressman ng Romblon ay nakasuhan ng graft sa ‘Fertilzer fund scam’ noon pang 2004. Nasuspendi na ito ng 90 days nang simulan ang mga pagdinig sa Sandiganbayan more than 2 years ago. Dahil nga sa bagal ng pag-usad ng kaso, ayon na-reelect as Congressman. Pero two months ago ay natapos na ang mga pagdinig sa kaso nito. Sana naman ay mailabas na ng Sandiganbayan ang desisyon kung guilty ba ito o absuelto sa 18 years nang kaso!

I’m praying na ang Chief Justice ng Korte Suprema under this Marcos administration ay maatasan ang graft court na bilisan ang paglutas sa graft cases ng mga politiko para hindi na mahalal ang mga ito kung guilty! Tapos pag umapela sa Kataas-taasang Hukuman, desisyunan agad bago pa ang eleksyon. At nang mabawasan naman ang mga kulimbat na halal na opisyal ng bansa. Mismo!

***

Maniniwala ako sa promises nitong Marcos administration na walang puwang sa kanyang gobyerno ang mga korap kung mawala nga ang korapsyon sa BIR, Bureau of Customs, Immigration, Public Works and Highways, at mga sindikato sa GSIS, SSS, PCSO at Pagcor kungsaan matindi ang pandemya ng katiwalian.

Naniniwala naman ako sa seriousness ni BBM na magiging malinis ang kanyang administrasyon dahil sa paglagay niya ng matitinong economic managers mula sa mga nakaraang administrasyon.

Pero malalaman natin sa unang 100 days kung ano-ano nga bang mga pagbabago o paglilinis ang gagawin ni BBM dito sa bansang baon na baon sa utang at katiwalian.

***

Pumuporma na ang mga tatakbo sa Barangay at SK Elections sa December 5, 2022.

Yung mga opisyal na tulisan, nagdarasal na sana’y ma-postpone ang halalan para tuloy parin ang kanilang pangungupit sa pondo ng barangay. Animal!