Advertisers

Advertisers

MARCOLETA SA DOE, SABLAY?

0 1,517

Advertisers

HINDI pa man ganap na nakakapanumpa ang nanalo sa pambansang halalan bilang ika-17 Pangulo ng bansa.., tila may guston pasabitin agad sa magiging GABINETE ni PRESIDENT-ELECT FERDINAND MARCOS JR. sa proseso ng PAGTATALAGA ng SEKRETARYO.

May mga impormanteng nagbubulong sa ARYA.., ginagapang umano ni OUTGOING ENERGY SECRETARY ALFONSO CUSI para tiyaking kakampi niya ang uupong KALIHIM ng DEPARTMENT OF ENERGY (DOE).

Partikular na tinukoy ng ating impormante ang napipisil at itinutulak na ipalit sa kanyang pwesto bilang ENERGY SECRETARY ang dating CONGRESSMAN RODANTE MARCOLETA.



Ang siste e may butas sa naging pag-atras sa karera nitong nagnais na maging SENADOR para sa 19th CONGRESS.

Sa hanay ng mga POLITICIAN ay matagal nang bulung-bulungan ang naging pag-atras ni MARCOLETA.., sabagay, eto ang pinakamagandang ginawa ni MARCOLETA na umatras sa kandidatura dahil tila manipis ang posibilidad na siya’y makalusot base sa resulta ng mga privately-commissioned political surveys.



Kung tutuusin, nasa PANGULO ang KAPANGYARIHANG PUMILI ng mga karapat-dapat na taong pwedeng mamuno sa iba’t ibang departamento – kabilang ang DOE.

Sa isang banda, mas angkop kung REREBISAHIN muna ng SCREENING COMMITTEE sa kampo ni MARCOS JR. ang mga probisyon at reglamentong sumasaklaw sa pag-atras ng isang kandidato. Sa kaso ni MARCOLETA ay kay COMELEC COMMISSIONER GEORGE GARCIA siya nagsumite ng STATEMENT OF WITHDRAWAL.., at hindi sa COMELEC EN BANC na nakasaad sa OMNIBUS ELECTION CODE.



Sa madaling salita, mali ang proseso. At kung mali ang proseso, lumalabas na hindi pala talaga ganap ang pag-atras ni MARCOLETA.

Pero teka, sino nga ba ang nagpa-atras sa dating SAGIP PARTYLIST CONGRESSMAN? Tampok sa mga huntahan ng mga miyembro sa loob ng PDP-LABAN ang diumano’y pambubuyo ni AL CUSI kay KA DANTE MARCOLETA para umatras na lamang sa karera ng SENADO.., kapalit ang pangakong ipapa-appoint na lamang siya sa GABINETE ng MARCOS ADMINISTRATION.

Hindi ba’t kapwa kasangga ni CUSI ang dalawa pang ibang tumatarget na pamunuan ang DOE? Paano na si MIKEY ARROYO at ang bata niyang si ATTY. AGNES DEVANADERA ng ENERGY REGULATORY COMMISSION? Mukhang nagkalaglagan na…, kaya naman pala biglang nabura ang kanilang pangalan sa talaan ng mga pinagpipilian para sa posisyon ng DOE SECRETARY.

Ang tanong, naaayon ba sa OMNIBUS ELECTION CODE (OEC) ang pagtatalaga sa pwesto ng isang naghain ng kandidatura? Hindi ako isang election lawyer.., ni hindi nga ako abogado, pero sa aking simpleng pananaw di pwedeng italaga sa pwesto sa loob ng isang taon pagkatapos ng halalan ang sinumang nakapaghain ng kandidatura na kesehodang tumuloy o umatras sa karera ay saklaw sa isinasaad ng OEC.., tama ba ang aking pagkakaintindi o ako ang naliligaw sa pagkaalam?

Hay naku… talaga yatang ayaw ni AL CUSI sa isang EKSPERTONG TULAD ni BENITO RANQUE na SUPORTADO ng mga kasapi ng EMPLOYERS CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES (ECOP); PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY (PCCI), at PHILIPPINE EXPORT CONFEDERATION (PhilExport).., teka, may mga personalidad ngayon ang hindi maiwasang magduda na posibleng natatakot na itong si AL CUSI na mabulatlat ang kanilang mga bulilyaso.., o kaya naman ay ayaw lang mahinto ang kanilang raket sa DOE!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.