Advertisers

Advertisers

TRB Inspects Soon to Open CAVITEX C5 Link Flyover Extension

0 432

Advertisers

Taguig City – Binisita ni Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director, Atty. Alvin Carullo, kasama ang technical team ng TRB, na siyang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP), ang konstruksyon sa ginagawang CAVITEX C5 Link Flyover extension (Segment 3A2: Merville to E. Rodriguez Ave.) ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA).

Sinuri ng inspection team ng TRB kasama ang mga kinatawan ng CIC ang progreso sa 1.6-kilometrong flyover extension na magkokonekta sa operational na 2.2-kilometrong CAVITEX C5 Link Flyover na nagbibigay ng maginhawa at mabilis na daan para sa mga motoristang papunta sa SLEX/C5 mula Merville at vice versa. Sa ngayon, umabot na sa 95% ang completion rate ng bagong segment.

Tinalakay rin sa inspeksyon ang traffic management plan sa lugar oras na mabuksan ito sa publiko. Nakasaad sa plano ang paglipat ng Merville entry at exit ramp sa bago nitong lokasyon sa harap ng Shell C5 Southlink para sa mas maayos na daloy ng mga sasakyan. Maglalagay rin ang CIC at PRA, sa pakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad, ng traffic signalization at mga signages sa lugar para sa maayos na daloy ng trapiko mula sa mga sasakyan tungo sa expressway at service road.



“We are pleased to see the progress of CAVITEX C5 Link. We look forward to it serving an estimated 15,000 motorists, helping lessen their travel time from SLEX to Pasay, Taguig and Paranaque, thereby helping decongest some of our local roads” ani TRB Executive Director Atty. Alvin A. Carullo.

Samantala, puspusan pa rin ang konstruksyon sa ginagawang Segment 2 (CAVITEX R1 Expressway to Sucat Interchange) ng CAVITEX C5 Link na ngayo’y umabot na sa 30% ang completion rate. Oras na kumonekta na ang CAVITEX sa Sucat Interchange, mababawasan nito ang oras ng biyahe ng mga motorista ng 30 minuto at mapagaan ang daloy ng trapiko sa Sucat Road at Quirino Avenue.

“Ngayong nalalapit na ang pagbubukas sa CAVITEX C5 Link flyover extension, aming hinihikayat ang mga motorista na gumamit ng Easytrip RFID sa pagdaan sa aming expressways, CAVITEX at CAVITEX C5 Link, para sa mas mabilis na biyahe at para rin maiwasan ang mahabang pila sa mga cash lanes,” ani CIC President and General Manager, Mr. Raul L. Ignacio.

Libre ang pagpapakabit at maaari ring mag reload ng Easytrip RFID sa CAVITEX C5 Link Customer Service Center. Maaari ring magtungo ang mga motorista sa iba pang installation at reloading sites ng Easytrip sa labas ng expressway. Para sa kumpletong listahan, maaaring bumisita sa https://www.easytrip.ph/subscription/rfid-onsite/.

Oras na makumpleto ang buong CAVITEX C5 Link project sa 2023, ang 7.7-kilometrong expressway ay magbibigay benepisyo sa mahigit 50,000 na motorista. Mababawasan nito ang oras ng biyahe mula CAVITEX patungong Makati, Taguig, at Pasay ng humigit kumulang 45 minuto; at matutulungan rin nitong maibsan ang trapiko sa EDSA, MIA Road, Roxas Boulevard, at iba pang national highway.



Ang Cavitex Infrastructure Corporation ay ang concessionaire ng CAVITEX at CAVITEX C5 Link. Isa itong subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Bukod sa CAVITEX at CAVITEX C5 Link, hawak rin ng MPTC ang concession rights para sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.