Advertisers
BUBUHUSAN ng pondo ang tatlong ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Pahayag ni Incoming Secretary ng Department of Budget and Management Amenah Pangandaman, kinabibilangan ito ng Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA) at Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).
Sa DepEd, tulong ang pondo para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes, ayuda sa magsasaka at mangingisda sa DA at tulong sa maliliit na negosyo sa MSMEs.
Maliban sa tatlo, target din ng susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang pamamahagi ng ayuda para sa pamilyang Pilipino.