Advertisers

Advertisers

Metropolitan Theatre nasunog

0 199

Advertisers

Nasunog ang gusali ng Metropolitan Theatre sa Arroceros, Ermita, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, hindi naman nadamay o naapektuhan ang pinakasentro ng teatro .

Sa ulat, 8:55 ng umaga nang magsimula ang sunog na agad itinaas sa ikalawang alarma ganap 9:00.



Ayon sa report, 9:23 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog at naapula ito ng 9:41 ng umaga.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa dating opisina ng ticketing office na ginawag barracks ng mga construction worker .

Dahil sa sunog, ilang motorista ang hindi pinadaan sa lugar upang bigyan daan ang mga rumispondeng mga bumbero.

Wala pa naman inilalabas na impormasyon kung anong dahilan ng insidente at wala rin naitala na nasaktan sa sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente para malaman ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">