Advertisers

Advertisers

Gretchen natameme kay Bato

0 242

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BINUWELTAHAN ni Senator Bato dela Rosa ang mga nagmamarites tungkol umano sa kanyang mamahaling relo.



Ayon sa senador, may detractors daw siyang nagpapakalat ng balitang ang kanyang suot na Seiko watch ay isang Patek Philippe, isang luxury watch.

Hirit pa niya, sa totoo lang, ang suot daw niyang relo ay nagkakahalaga lamang ng P14K hindi tulad ng ipinamamarali ng mga marites na milyones ang halaga nito.

“Sa mga ulol dyan na marites, naisahan ko rin kayo! Yung relo ko na seikopatik na 14k php ginawa ninyong patek philippe na 360m php. Ha ha ha,” sey ni Bato sa kanyang FB account.

Sa comments section naman ng post, nagtanong ang popular social media personality na si Senyora tungkol dito.

“May chismis ba dito senator?,” ani Senyora.

Sinagot naman ni Bato ang katanungan ng socmed personality.



Ani Bato: “Senyora , yang relo na yan ay kinopya ng seiko sa patek philippe tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5m dlrs at wala ka pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing japan na dala dala yan at ibinenta sa akin sa halagang 14k. Heto na ngayon kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Ha ha ha”

Marami naman ang nakaka-miss sa inaasahan sana nilang buwelta ng actress at dating online sabong queen na si Gretchen Barretto sa patutsada ng senador.
Sa ngayon kasi, hindi na aktibo si Gretchen sa kanyang Instagram account.

Matatandaang noong bago pa man na-abolish ang online sabong,  naging kontrobersyal na ang mga banat noon ng aktres sa senador kaugnay ng pag-iimbestiga nito sa e-sabong.

Pinuna pa nito kung paano na-afford ng senador ang mamahaling relong suot nito  sa proceedings ng Senate panel inquiry sa pagkawala ng ilang sabungeros na sangkot sa e-sabong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More