Advertisers
Ni MERCY LEJARDE
SANIB-pwersa ang apat na Kapuso stars para sa pinakabagong offering ng GMA award-winning weekly anthology show na ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ngayong Agosto.
Tampok sa episode na pinamagatang ‘Madaldolls’ sina Sanya Lopez bilang Bubbles, Ashley Ortega bilang Blondie, Rodjun Cruz bilang Super Stan, at Hannah Precillas bilang Carrot.
Bibida rin sa makulay at magical episode na ito sina Tina Paner bilang Au, Crystal Paras bilang Luna, Vince Crisostomo bilang Zac, Lia Salvador bilang Rina, at Roxie Smith bilang Steph.
Nitong Linggo, August 7, nakilala na ng Kapuso viewers si Rina na may-ari ng manikang si Bubbles. Itinuturing niya itong best friend na saksi sa nararanasang pambu-bully ni Rina. Dahil affected si Bubbles sa mga nangyayari, biglang nabuhay ito na parang tao.
Paano magbabago ang buhay ni Rina ngayong nakapagsasalita at nakagagalaw na ang manika na kanya ring matalik na kaibigan?
Subaybayan ang fresh episodes ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko: Madaldolls’ tuwing Linggo, 7PM, sa GMA-7.
***
‘Return to Paradise,’ binihag agad ang puso ng mga manonood
Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa bagong GMA Afternoon Prime series na ‘Return To Paradise.’
Nagsama-sama para pagbidahan ang intriguing story ng serye sina Kapuso hunk Derrick Monasterio bilang Red, Sparkle star Elle Villanueva bilang Eden, at seasoned actress Eula Valdes bilang Amanda.
Sa pilot week nito noong nakaraang linggo ay bumuhos na agad ang positive feedback ng Kapuso viewers at netizens sa kakaibang kwento ng serye at performance ng cast.
Komento ng isang avid viewer sa Facebook, masaya siyang mapanood si Derrick muli sa telebisyon at boto sila kay Elle bilang bagong kapareha nito. “Isa sa mahusay na actor sa GMA, nice to see u again in a teleserye. Grabe halatang magpapakilig ang love team na to, bago pa lang pero may chemistry na. The best talaga mag-partner ang GMA.”
Trahedya nga ba ang babago sa buhay nina Red at Eden? Mananaig ba ang pagmamahalan ng dalawa hanggang sa huli?
Abangan ang maiinit na eksena sa Return To Paradise, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Apoy sa Langit sa GMA Afternoon Prime.