Advertisers

Advertisers

PEDRITA PALDONG ALALAY NI MAYOR!

0 72,536

Advertisers

Marami na raw imbiyerna sa alalay ng isang CITY MAYOR sa METRO MANILA na si PEDRITA PALDO dahil kung umasta raw ito ay daig pa ang kaniyang MAYOR.., dahil mas malaki pa raw ang naganansiya nito sa isang kontrobersiyal na RECLAMATION PROJECT.

Sa kuwento ng mga ARYA BUBUYOG na pawang mga CITY EMPLOYEE ay mayroon na raw itong magarang opisina sa mamahaling BGC.., para nga naman magmukhang legal ang kanyang ganansya.., dahil ang kanyang raket ay mga armor rocks na panambak sa Manila Bay.

Sabagay, walang masama sa pagnenegosyo basta legal at walang ginogoyo.., yun nga lang, ang sistema nitong si PEDRITA PALDO ay tila PALSO dahil may nagreklamo raw na hindi siya nabayaran kaya nabinbin ang pagtatanmbak sa isang bahagi ng MANILA BAY para sa paglikha ng isla.



Ang latest naman daw ngayon kay PEDRITA PALDO ay sa MONTALBAN, RIZAL naman daw ito naghahanap ng supplier na kanyang mae-estafa.., nakupo kawawa naman ang madadale nito.

Nangangarag ang BAKLITANG ALALAY sa paghagilap ng pagkakuwartahan.., Kasi nga naman santambak ang alaga niyang mga MACHO PAPA at masaklap pa ay gabi-gabi sa MIDAS HOTEL AND CASINO kasama ang dalawang iba pang baklita (sina RR at Adriana) kung saan nagsusugal gamit ang perang di naman pala sa kanila.

Balatan natin ang pagkatao ng mahaderang amuyong na minsan nang nagpakilalang kamag-anak daw nito ang isa sa mga naging FINANCE SECRETARY ng ating bansa

May natatanging angking husay naman itong si PEDRITA PALDO lalo na sa larangan ng OOTD (OUTFIT OF THE DAY), hair and makeup ng amo niya.., sa madaling salita, tagapayo siya ng FASHIONISTANG MAYOR bago pa pumasok sa opisina.

Pero Iba ang balasik ng BAKLITANG MAHADERA lalo sa tuwing makaka-amoy ng bonggang ganansya sa mga supplier at kontratista sa lungsod na pinangasiwaan ng among mayor.., e tumataginting na 2% ang kanyang tara.

Oops, meron pa.., pati mga peryodistang trabaho ay magsulat ng balita, pinag-iinitan pa raw nito dahil ang mga ibabalita patungkol sa kanilang siyudad ay kailangang dumaan sa kaniya.., gayong hindi naman PIO ang kaniyang posisyon.



Tekaaa.., mukhang hindi yata alam ni CITY MAYOR na nag-aalaga siya ng isang BAKLITANG ESTAPADOR hehehe ., sana may maglakas-loob na bumulong kay CITY MAYOR dahil ang kabulastugan ng kaniyang BAKLITANG ALALAY ay inderektang siya ang sinisira nito sa kaniyang magandang imahe!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More