Advertisers

Advertisers

IHAWLA ANG MGA “GOVERNMENT CROCODILE”

0 33,601

Advertisers

Matindi ang mga ikinakategoryang GOVERNMENT CROCODILE na makaraang ihayag ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na walang SUGAR SHORTAGE sa bansa at tatagal pa hanggang hanggang katapusan ng September ang nakaimbak na mga asukal ay gumana na agad ang mga BUSINESS MANIPULATOR.., na itinaas na ang presyo ng asukal dahil kinakapos na raw sa merkado ang nasabing produkto.

Tila masasabak sa matinding hamon ang BBM ADMINISTRATION na kinakailangang magpakita ng bangis at isadlak sa hawla ang lahat ng mga umaaktong BUWAYA sa gobyerno sa pagmamanipula ng iba’t ibang produkto sa pamamagitan ng HOARDING.., upang magkaroon ng rason at legalidad na makapag-importa ng mga produkto.

Nitong mga nagdaang araw ay sinopla ni PRES. BONGBONG ang tangkang pag-aangkat ng 300,000 tonelada ng ASUKAL gayong wala pa namang SHORTAGE sa mga panindang ASUKAL sa mga merkado.., siyempre pa, bago nagpahayag sI PRES. BONGBONG sa sitwasyon ng asukal ay may mga patotoo mula sa iba’t ibang eksperto na ang imbak na mga asukal ay hanggang September pa, na kung mag-aangkat man ay sa buwan pa ng October.



Iginiit ni PRES. BONGBONG na ang Sugar Order No 4 para sa naging importasyon ng asukal ay napirmahan nang hindi nya alam.., kaya naman nalalagay ngayon sa hot water sina AGRICULTURE UNDERSECRETARY FOR OPERATIONS LEOCADIO SEBASTIAN.., ilang OFFICIALS ng DEPARTMENT OF AGRICULTUREA at SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION na silang nagbigay ng pahintulot para sa sugar importation.

Sa isyung anomalya sa pag-aangkat ng asukal ay nagmungkahi naman itong si ALBAY REP..JOEY SALCEDA kay PRES. BONGBONG na magtatag ng TASK FORCE ON AGRICULTURAL HOARDING at maglunsad ng mga sorpresang pagsugod sa WAREHOUSES ng SUGAR HOARDERS tulad sa isinagawa nitong nakaraang administrasyon.

Bunsod nito, ang naturang MAMBABATAS ay maghahain ng panukalang batas sa HOUSE OF REPRESENTATIVES na ang AGRICULTURAL CARTELS, HOARDINGS at PROFITEERINGS ay ituturing na ECONOMIC SABOTAGE.., na ito ay aamyenda sa REPUBLIC ACT (RA) 10845 o ANTI-AGRICULTURAL SMUGGLING ACT OF 2016 at isasama rito ang PRICE MANIPULATION na mapapatawan ng mabigat na parusa.

Sabagay, hindi lamang sa asukal may HOARDINGS kundi maging sa iba pang produkto tulad ng bigas, mais, bawang, sibuyas at iba pa na kinondena rin ni SENATOR IMEE MARCOS ang pinalalabas ng ilang maiimpluwensiyang personalidad na SHORTAGE daw sa WHITE ONIONS o puting sibuyas

Sa isasagawang pagpapatuloy na pagdinig ng HOUSE COMMITTEE ON GOOD GOVERNANCE AND PUBLIC ACCOUNTABILITY at ng HOUSE COMMITTEE ON AGRICULTURE ngayong araw (August 18) ay dapat na mandatory present ang mga nasasangkot sa kontrobersiyal na tangkang pag-aangkat ng asukal at huwag ikonsidera ang video conferencing.

Dapat magpakita ng bangis ang bagong administrasyon ngayon laban sa lahat ng mga naging mala-buwaya sa gobyerno.., na walang sisinuhin kahit ang mga lintang nakapaligid sa laylayan ni FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.., ay dapat lang na litisin ang mga ito sa kanilang mga naging pagmamalabis tulad sa nabinbing pag-iimbestiga noon ni SEN. RICHARD GORDON sa mga anomalya ng OVERPRICED FACE SHIELDS!



Maging sI VICE-PRESIDENT at DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY SARA DUTERTE ay nag-atas din ng imbestigasyon sa 2021 PROCUREMENT ng umano’y “OVERPRICED AND OUTDATED LAPTOPS” na binili ng DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT PROCUREMENTS SERVICE.., na Hindi sana humangga lamang sa pag-iimbestiga, kundi makasuhan at maisadlak sa hawla o kulungan ang mga CROCODILE sa GOVERNMENT upang matigil na ang pananamantala sa kaban ng bayan.

Sa punto ng ARYA.., ang sinserong paggo-gobyerno ay ang pagpoprotekta sa kaban ng bayan na dapat ay nagagamit sa kapakanan ng buong sambayanan at hindi sa iilang GOVERNMENT CROCODILES!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More