Advertisers

Advertisers

SIM Card Registration Bill suportado ni Bong Go

0 235

Advertisers

Sinusuportahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 1310 o ang panukalang “Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act” na naglalayong puksain ang laganap na spam messages at iba pang mapanlinlang na aktibidad sa cellular phone.

Si Go ay co-author at co-sponsor ng nasabing panukala.

Sa sesyon ng plenaryo ng Senado, binanggit ni Go sa kanyang talumpati na ang gobyerno ay inulan ng phone scams at iba pang mobile phone-aided criminal activities, na ang ilang kaso ay kinasasangkutan ng mga mensaheng naglalaman ng pribado o sensitibong impormasyon tungkol sa recipients.



“Ilang beses na akong nabiktima o nagamit ang pangalan ko sa mga text scam,” ibinahagi ni Go dahil may mga pagkakataon din na ginamit ang kanyang pangalan ng mga manloloko upang akitin ang mga biktima sa kanilang iligal na gawain.

“Ang nakaaalarma po talaga dito, gaya ng nabanggit ng ating mga kasama noong nakaraan, ang ilan po sa mga scam messages ay naglalaman ng pangalan ng mga recipients. Kung minsan po ay buo pa ang pangalan na nakalagay sa text messages na ito,” ani Go.

Labis na ipinagtataka ng senador kung saan at paano nakuha ang mga impormasyon tungkol sa recipients at nakababahala rin aniya kung gaano kadalas makatanggap ng scam at spam messages ang mga ito.

Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang mga mamimili ay kinakailangang irehistro ang kanilang SIM card bago i-activate sa pamamagitan ng pagsusumite ng accomplished registration form at pagpapakita ng valid government ID o iba pang kinakailangang dokumento upang patunayan ang kanilang pagkakakilanlan.

Kumpiyansa si Go na kung maisasabatas ang panukala, hahadlang ito sa mga manloloko at lilikha ng mas ligtas na kapaligiran sa online para sa mga Pilipino.



Naniniwala rin si Go na sa pamamagitan ng pagpasa ng panukalang ito, mapoprotektahan ang privacy at impormasyon ng mga kapwa Pilipino.

Malaki rin itong tulong sa kasalukuyang administrasyon na protektahan ang kapakanan at privacy ng mga Pilipino at sila’y iligtas sa kapahamakan habang ginagamit ang mga aparato.

Pinuri ni Go ang nag-sponsor ng panukalang batas na si Senator Grace Poe sa pagsasabing “Nais ko pong magpasalamat sa committee on public services, at sa ating chair, Senator Grace Poe, sa kanyang walang humpay na pagsisikap na tiyaking lahat ng Pilipino at mga susunod na henerasyon ay mabubuhay sa isang ligtas at makataong kapaligiran.”