Advertisers

Advertisers

4 Tsekwa, 1 Pinoy miembro ng KFR timbog

0 337

Advertisers

Naaresto ang apat (4) na Chinese Natonal na miyembro ng kinapping group at kasabwat na Filipino ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at pagkakasagip sa isang kidnap victim sa isinagawang operation sa Pasay City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Chui Qun, 28, POGO Staff ng Pearl Plaza Tambo, Parañaque City; Yap Tiong Lee, Chinese National, 37, HR staff ng Marina Seaview Residence Tower F1001 Tambo, Parañaque City; Li Wei Xiong, Chinese National, 40, Pogo Employee ng Shore Residence Tower A, Pasay City; Li Xing, Chinese National, 38, Pogo Employee ng Midas Hotel, Pasay City; at Ernesto Jr. y Renina, 42 anyos, driver ng 1033 Kalye Onse Sumapang Matanda, Malolos, Bulacan.

Sa report, mga miyembro ang mga suspek ng “Zi Chinese” Criminal Group na sangkot sa Kidnapping/Abduction at Illegal Detention na nag-o-operate sa Southern Part ng Metro Manila.



Samantala, nakilala naman ang biktima na si Amy Dan Li, chinese National, 28 anyos, ng Shore Residence Tower A, Pasay City.

Ayon kay PNP Chief Gen Rodolfo Azurin Jr. 4:00 ng hapon ng magsagawa ng operation ang mga elemento ng Southern MMDFU NCR CIDG, DSOU SPD, at ISAFP sa Sea Residence Sunrise Drive Pasay City.

Isinagawa ang entrapment operationnang humingi ng tulong ang isang Mr. Jerry Go, Chinese National at ipabatid ang pagdukot sa kanyang kaibigan na si Amy Dan Li ng mga armadong sakay sa isang Hi ace van.

Sa report, naganap ang insidente 5:00 ng hapon sa Shore Residence Tower A Pasay City noong Sept. 14.
Tumawag umano ang mga suspek at humihingi ng P2,000,000 million para sa pagpapalaya sa biktima.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 293 (Robbery Extortion), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Live Ammunition) at RA 1084 (Kidnapping and Serious Illegal Detention).(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">