Advertisers
ISANG mataas na lider ng New People Army (NPA) ang natagpuan patay na hinihinalang tinangay ng malakas na agos ng tubig sa Tandang City.
Kinilala ang bangkay na si Noel Tumarlas Alacre alias Megan/Hardy/Heinrich/Vernie/Jerson, Commanding Officer (CO) ng Platoon 2, Weakened Guerilla Front 30 (WGF30), North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).
Nabatid na si Alacre ay mayroong 28 warrant of arrest na kinabibilangan ng 12 counts Murder, 8 counts Attempted Murder, 3 counts Frustrated Murder, 2 counts Slight Illegal Detention, 1 count ng Kidnapping and Serious Illegal Detention, Arson, at Abduction.
Ayon kay Lt. Col. Michael Rey S. Reuyan, Commanding Officer ng 36 Infantry Battalion, natagpuan ang bangkay ng mga sundalo sa river bank sa Sitio Maitom, Mahanon, Tandag City, Surigao del Sur.
Nabatid na naglunsad ng operation at pagtugis ang mga elemento ng The Mahanon Civilian Active Auxiliary (CAA) detachment ng 36IB laban sa apat katao na nanunog ng 3 motorcycle at pagpapaputok ng mga baril sa Brgy. Maiton Road, Tandang City.
Sa pagtugis ng mga sundalo sa mga dinaan ng mga salarin, napadpad ang mga ito sa gilid ng Tandag River. Sa pagbaybay, natagpuan ang bangkay ni Alacre.
Hinala ng mga sundalo, tinangka ng mga rebelde na tumawid ng ilog sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at tinangay ito ng malakas na agos na ikinasawi ni Alacre.
Narekober ng mga sundalo ang (1) R4A3, steel at plastic rifle magazines na mayroon mga bala, rifle grenades, cellular phones, at personal na kagamitan.(Mark Obleada)