Advertisers

Advertisers

MIAA power outage, balik normal na

0 268

Advertisers

BALIK-NORMAL na ang operasyon sa NAIA Terminal 3 at lahat ng 30 flights na na-delay bunga ng power outage noong Biyernes ay nakaalis o nakarating na sa Maynila Sabado ng gabi.

Sa flight status update na ipinadala alas- 7 ng gabi noong September 17 (Saturday) ni Manila International Airport Authority (MIAA) public affairs office chief Connie Bungag, tatlo sa apat na cancelled flights ng Cebu Pacific na binanggit sa kanilang advisory ang nakaalis na patungong Caticlan, Cebu at Hong Kong.

Aniya, tanging ang 5J-279 patungong Despansar ang na-reschedule at nakaalis ng Linggo.



Nauna rito ay humingi ng dispensa ang MIAA sa Terminal 3 passengers at mga airport stakeholders dahil sa inconvenience na dala ng power interruption na nagsimula alas-11 ng gabi ng Biyernes hanggang Sabado ng umaga.

Ani Bungag, kinailangang mag-manual check-in at loading ng baggage at ang pag-proseso ng mga pasahero sa immigration ay tumagal kesa dati.

Gayunman, nagsasagawa na umano ang MIAA management at Meralco ng imbestigasyon upang matukoy ang ugat ng problem na na-trace sa Terminal 3 power substation.

Dakong alas-6 ng umaga ng Sabado nang mabalik ang electric power sa Terminal 3, kung saan 16 international at 15 domestic flights ang naapektuhan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">