‘Bigger, better classrooms sa 2023’ – Mayor Honey
Advertisers
BIGGER, better classrooms para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa kabisera ng bansa.
Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna ang maasahan ng mga mag-aaral sa ilang pampublikong paaralan sa lungsod sa darating na taong 2023
Ayon sa kauna-unahang babaeng alkalde ng Maynila, ang Dr. Albert Elementary School (DAES) sa Sampaloc ay 44.31 percent complete at handa na ito para gamitin sa July 2023.
Ang iba pang mga eskwelahan na undergoing construction at malapit na ring matapos ay ang Manila Science High School na 59.21 percent ng kumpleto, Rosauro Almario Elementary School, 57.88 percent ng kumpleto.
Samantala ang bagong R. Magsaysay High School, ay inaasahan namang magiging handa na sa schoolyear 2024. “We expect these schools to be finished in time for next schoolyear. By then, sana, handa na ang mga pinagagawang paaralan,” sabi ni Lacuna.
Ayon pa sa alkalde, dahil sa magkakaroon na ng mas malalaki at mas magagandang silid aralan, inaasahan na dadami na naman ang mga magi-enroll.
“Kasi sobra-sobra and mga classrooms as against the estimated enrolees. Kinuwenta na namin against the number of rooms,” dagdag pa ni Lacuna.
Sa pagbisita ng lady mayor sa DAES kasama sina City Engineer Armand Andres at City Electrician Randy Sadac, sinabi ng alkalde na nakapwesto na ang mga high tech na silid aralan.
Ang matitibay na railings ay nailagay na rin upang maiwasan na may mahulog, dahil binubuo ng 10 palapag ang nasabing paaralan at may kalikutan ang mga bata sa elementarya.
Ibinunyag din ng alkalde na binigyang direktiba niya si Andres na pag-aralan ang posibilidad na makagawa ng daanan na magdudugtong sa DAES at Dapitan Sports Complex kung saan puwedeng mag-swimming at maglaro ng basketball at tennis ang mga bata. Ayon kay Lacuna, sa Dapitan Sports Complex siya natuto ng tennis. (ANDI GARCIA)