Advertisers

Advertisers

Balance!

0 209

Advertisers

Ang kapakanan ng bawa’t basketbolista at ang katungkulan sa bayan ang nakataya sa isyung kontrata nila sa ibang bansa.

Oo, karapatan ng lahat na mamili kung saan sila maglalaro bilang hanapbuhay. Pwede sa lokal na mga liga o sa ibayong-dagat na mas hamak na malaki kita.

Nguni’t gaya ng praktis sa Europa at ibang lugar ay nakasaad sa mga kasunduan na kung kailangan sila ng pambansang koponan ay hindi ito haharangin ng mother team.



Isa yan sa ipinaglalaban ng PBA sa Japan B-League bukod sa sarili nilang interes.

Dito nag-react kaagad sina Kai Sotto, SJ Belangel at ang tinamaan na si Will Navarro upang ipagtanggol ang mga manlalaro.

Karamihan sa media at tagahanga siyempre kampi sa mga player

Pero kung inaanalisa natin maigi kailangan mabalanse ang lahat.

Parang tumutulay tayo sa alambre niyan. O kaya naman naglalakad sa nagbabagang uling.

Magpinsan buo ireng sina Rey Evangelista at Patrick Fran na parehong kabilang sa 4-peat ng USTe noong 90’s.



Si Fran ay nasa coaching staff ng Meralco Bolts at may hawak ng kanilang 3×3 na squad.

Si Evangelista naman bumalik sa hometown niyang Ormoc kung saan may mga negosyo siya.

Nitong nakaraang halalan ay nagwagi siya bilang konsehal ng siyudad.

***

Ang isang rason kung bakit bantulot ang Lakers na itrade si Russell Westbrook ay ang posibleng makakapalit ay may mahaba pang kontrata.

Nais kasi nila na mabakante ang malaking halaga para makuha si Kyrie Irving sa free agency sa 2023.

Isa pa ay karamihan ng prangkisa na kapalitan ay ibig isabit ang dalawang 1st round pick sa 2027 at 2029 nila.

***

Labis ang tuwa ni Pepeng Kirat sa pananagalog ni Alex Eala matapos manalo sa US Open.

Proud ang 17 años na tinedyer sa sariling wika kaya ito ang ginamit sa talumpati.

“Ibig kong maramdaman ng mga kababayan na kasama ko sila sa tagumpay ko sa New York,”eka ng kampeon na Pilipina.