Advertisers

Advertisers

HEPE NG PULISYA SA BATANGAS KULONG SA KOTONG!

0 228

Advertisers

DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine National Police – Integrity, Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang deputy chief ng Balayan Police Station sa pangongotong sa Batangas.

Kinilala ang inaresto na si Police Captain Ruben Marilag, kasalukuyan deputy chief ng Balayan Police Station.

Ayon kay Brigadier General Warren F. De Leon, director PNP-IMEG, 4:47 ng hapon ng Huwebes nang isagawa ng pinagsanib na mga elemento ng PNP-IMEG Luzon Field Unit, 35th Special Action Company, PNP SAF, at Provincial Intelligence Unit, Batangas Police Provincial Office ang entrapment operation sa tapat ng Robinso Bank malapit sa police station.



Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng pangongotong ng P 2,000 kada linggo ng opisyal sa isang operator ng iligal na ‘loteng’.

Ayon sa complainant, matagal na niyang itinigil ang operation ng loteng nang ma-diagnose na mayroon siyang stage 3 colon cancer noong Marso 2021. Sa kabila nito, iginiit ni Capt, Marilag na kailangan magbigay ng complainant ng “weekly payola” na P2,000.

Narekober ng mga operatiba kay Capt. Marilag ang marked money, service firearms at magazine na naglalaman ng 14 bala, smartphone, pitaka na naglalaman ng cash at PNP ID.

Nasa kustodiya ng IMEG si Capt. Marilag sa Camp Crame sa Quezon City na sumasailalaim sa imbestigasyon at paghahanda ng kasong administratibo at kriminal.

Si Capt Marilag ang pang-5 aktibong PNP personnel at 2 police official na naaresto ng PNP IMEG sa entrapment operation mula nang maitalaga si De Leon bilang Director ng IMEG noong Aug. 8, 2022.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">