Advertisers

Advertisers

PBBM TAGASALO NINA AZURIN AT NARTATEZ!

0 505

Advertisers

PLANO ng mga CALABARZON-based anti-vice crusader, kasama ang religious group na idulog kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ang lumalalang problema ng vice operation na sanhi ng lumulobong insidente ng krimen sa rehiyon.

Sa sulat na ipapadala sa pangulo na ipinasilip sa SIKRETA, kinondena ang kawalan ng aksyon ng Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng pamahalaan, tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa operasyon ng oil smuggling, paihi at sugalan sa Region 4A.

Mistulang bulag, pipi at bingi, anila ang awtoridad, kasama na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lantarang iligal na aktibidad ng isang petroleum at oil smuggling syndicate na pinapatakbo ng isang MARIO TAN at DONDON na ang sentro ng operasyon ay ang Batangas City Port.



Sa bayan ng Lemery, Batangas sinabi ng grupo, na isang GLEN ang matagal nang nagpapatakbo ng operasyon ng paihi o patulo ng gasolina at diesel at iba pang produktong petrolyo, samantalang isang Kap. DAN naman ang may paihi operation sa Lipa City.

Ibinulgar sa sulat kay PBBM na nakakapag-operate ang petro at oil smuggling nina TAN at DONDON dahil sa protection na ibinibigay ng PNP, partikular ng tanggapan ng R4A, Batangas PNP Provincial Command, opisina ng police chief ng Lemery at Lipa City, ganon din ng local CIDG, Region 4A based at Camp Crame CIDG.

Katulad nina TAN at DONDON, ang R4A police office, provincial command, opisina ng Lemery at Lipa police chief at CIDG ay may weekly tara o tongpats kina GLEN at KAP DAN upang ang kanilang paihi o patulo business ay hindi mabulabog ng mga awtoridad.

Maaring hndi alam ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., pero ito ang ulat na natatanggap ng mga anti-vice crusaders – ang pangalan ng PNP Chief ay nagagamit sa pangongolekta ng tongpats sa smuggling nina TAN at DONDON at paihian / patulo operation nina GLEN at KAP DAN.

Bukod sa bayan ng Lemery at Lipa City, Batangas ay nag-ooperate din ang limang malalaking paihian sa lalawigan ng Quezon.



Ang mga ito ay matatagpuan sa bayan ng Candelaria na inooperate ni Lito, Brgy. Lalig sa bayan ng Tiaong na pinatatakbo ni Lani, Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City na minamantine ni alias Bobby, Hiwatig, S., sa Brgy. Loob, San Antonio at Toper sa By-Pass Road, Brgy. Gisgis, sa bayan ng Sariaya pawang sa probinsya ng Quezon.

Isang nagngangalang OCAMPO na kilalang operator ng STL-con jueteng sa Brgy. Bagbag,Tanauan City, Batangas na involved din sa droga ay ginagasgas ang pangalan ni PNP Chief AzurinJr. sa pangangalap ng lagay sa di kukulangan sa may 30 drug/gambling operator sa Tanauan City at sa iba- ibang iligalista, di lamang sa Batangas kundi sa buong rehiyon.

Si OCAMPO ay nagsisilbi ring vice collector ng isang mataas na opisyal ng Tanauan City na una na nilang sinuhulan ng Php 5 milyon para muling buksan ang STL-con jueteng at STL-con drug operation sa Lungsod ng Tanauan na iniutos ipasara sa mga pulis ni City Mayor Sonny Collantes sa day one pa lamang ng kanyang panunungkulan noong Hulyo 1.

Pero noong Agosto 18, ang STL con jueteng na kilala ding STL bookies sa siyudad ni Mayor Collantes ay muling sumulpot matapos suhulan ni OCAMPO ang isang mataas na opisyal ng lungsod ng Php 5 milyon bilang paunang padulas, iba pa ang weekly tong na aabot din ng Php 5 milyon na tatanggapin ni Tanauan official mula kina OCAMPO kada buwan sa looban ng tatlong taon.

Liban kay OCAMPO, ang mga kilalang operator ng STL-con jueteng na sangkot sa kalakalan ng droga ay sina sina Melchor Taba, Ablao, alias Konsehal Burgos, alias Mayor Benir at Kon Angel, Lito at Kon. Perez, ng Brgy Darasa at Brgy. 7, Poblacion Proper, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Emil, Ramil, Aldrin,Terio, Angke at Lawin ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango, Tano ng Brgy. Trapiche at Rodel ng Brgy. Sambat.

Ang mga babaing notoryus na drug pusher at STL-con jueteng maintainer ay sina alias Ms. Donna, Ms Anabel at Ms Lilian na may rebisahan ng taya ng jueteng at bentahan ng shabu sa Brgy. Pantay na Matanda at Brgy. Trapiche. Si Ms. Donna ay naglulungga din sa Brgy. Sambat.

Ang iba pang drug pusher con-STL jueteng operator sa lalawigan ng Batangas ay sina alias Willy Bokbok sa bayan ng Nasugbu at alias Timmy na nag-ooperate naman sa mga munisipalidad ng San Pascual at Mabini.

Sa kanilang sulat, hiniling nila sa Pangulo na kastiguhin si PNP Chief Chief, Gen. Azurin Jr. at PNP RD4A PBG Jose Melencio Nartatez Jr., Batangas PNP Provincial Director at Quezon PNP Provincial Director at iba pa, na anila’y mistula ngang mga bulag, pipi at bingi sa lantarang operasyon ng petro at oil smuggling, paihi at sugalan sa kanilang hurisdiksyon- probinsya ng Batangas, Quezon at CALABARZON area sa kabuuan.

Sina Azurin Jr. at Nartatez Jr. ay pinagkatiwalaan ni PBBM, kaya sila’y natalaga sa kanilang mga puwesto – si Azurin bilang PNP Director General, at bilang R4A PNP boss si Nartatez Jr – pero hindi nila ginagawa ang kanilang tungkulin bilang maaasahang government official.

Dahil sa anila”y kahinaan ng liderato nina Azurin Jr at Nartatez Jr, na sa totoo lang si Pangulong Marcos Jr. ang sumasalo at sinisisi sa kapalpakan ng dalawang mataas na opisyal na ito ng Pambansang Kapulisan.

Kaya sa kada batikos at negatibong puna sa dalawang PNP top brasses, ay tulad din ng “hampas sa langaw na ang latay ay sa kalabaw”, puna pa ng mga anti-crime crusaders.

***

Para sa komento: CP # 09293453199 at 09664066144; sikretangpinas@gmail.com.