Advertisers

Advertisers

Dahil sa bagyong ‘Karding’: Walang pasok sa eskwela at trabaho – Mayor Honey

0 267

Advertisers

DAHIL sa bagyong si “Karding,” walang pasok sa eskwela at trabaho sa City Hall sa Maynila sa Lunes, September 26, 2022.

Nitong Linggo ay dineklara ni Manila Mayor Honey Lacuna ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa public at private, face to face at online.

Maging ang trabaho sa Manila City Hall ay suspendido maliban na lamang sa mga departmento at tanggapan na may kinalaman sa disaster at emergency response.



Sa isang statement mula kay spokesperson Atty. Princess Abante ay sinabi ni Lacuna na pinauubaya niya ang suspensyon ng trabaho sa mga private companies at sa mga employers nito.

Binanggit pa ni Abante na ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni Arnel Angeles at iba pang mga kaugnay na city government departments ay nasa red alert na.

Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang declogging operations upang maiwasan at mabawasan ang pagbaha sa lungsod kasabay ng paghahanda sa mga evacuation centers para sa posibleng preemptive evacuation ng mga residente sa coastal areas.

Samantala ay inutos na ni Lacuna na panatilihing bukas ang lahat ng city hospitals at health centers at maging handa sa pagtugon sa mga typhoon-related cases. (ANDI GARCIA)