Advertisers

Advertisers

Panawagan ng anti-illegal advocates kay PBB: ‘AZURIN, NARTATEZ SIBAKIN!’

0 562

Advertisers

DAHIL sa mga nagkalat na iligal, hihilingin ng mga anti-vice crusader gayundin ng religious sector mula sa CALABARZON kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tanggalin sa puwesto sina PNP Director General Rodolfo Azurin Jr., at Region 4A Director PBG Jose Melencio Nartatez Jr.

Sinabi ng grupo na kailangan nang kumilos ang pangulo, sibakin si Azurin Jr. bilang PNP Chief dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ito karapat-dapat sa posisyon.

Sa nangyayari ngayon na kaliwa’t kanan ang insidente ng krimen, isama pa ang lantarang operasyon ng droga, sugal at kung ano-ano pang ka-iligalan na kinukunsinti ng maraming PNP official ay patunay ito na mahina ang liderato ni Azurin Jr., giit ng anti-vice crusaders.



Halimbawa, anila, ang kanilang lugar ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ang crime rate dito ay napakataas.Na ang pangunahing ambag sa pagtaas ng krimen ay ang mala-kabute sa dami ng nag-ooperate na sindikato ng paihi, sugal at kung anu-ano pang grupo na mga halang ang kaluluwa.

Tulad ni Azurin Jr., na anila ay pabaya sa trabaho, ang R4A PNP Director na si Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., ay mistulang bulag, pipi at bingi sa nangyayaring kriminalidad at lantarang pamamayagpag ng illegal vices sa kanyang hurisdiksyon.

Mahigit 31 milyong Pinoy ang nagluklok kay PBBM sa Malakanyang, patunay na malaki ang tiwala ng sambayanan sa pangulo na maaayos nito ang Pilipinas para sa muli nitong pag-angat sa industriya at imahe sa pandaigdigang estado.

Kailangan ni PBBM ng mga taong maayos na magtratrabaho para makatuwang na maisakatuparan ang pangarap niyang kaunlaran at muling makilala ang Pilipinas sa international scene.

Pero paano maisasagawa ni PBBM ang misyon na maging isang progresibo ang Pilipinas kung may mga opisyales sa pamahalaan na tulad nina Azurin Jr. at Nartatez Jr. na tila pagong na kukupad-kupad sa kanilang pagganap sa sinumpaang tungkulin, anang grupo ng anti-crime crusaders.



Ipinuntong halimbawa ng grupo ang kawalan ng tugon sa talamak na operasyon ng sugalan na front ng bentahan ng droga tulad ng shabu at iba pang bawal na gamot sa Tanauan City, Batangas, mga lalawigan ng Quezon at Laguna na nakadidismayang ‘di masawata ng hepe ng pulisya ng naturang lungsod, ng Provincial PNP command, at ng tanggapan ni Dir. Nartatez Jr.

Di parin masupil ng pulusya ng Tanauan City sa ilalim ni LtCol. Karlos Lanuza ang pamamayagpag ng iligal na pasugal at drug trade ng isang alias “Ocampo” at ng mahigit sa 30 iba pang gambling/drug operators sa lungsod.

Nabalewala at napabayaan narin ni Tanauan City Mayor Sonny Collantes na lutasin ang laganap na operasyon ng iligal na sugal sa kanyang lungsod, taliwas sa kanyang paninindigang ipahinto ang operasyon ng STL-con jueteng at STL-con drug nang mahalal ito sa pwesto noong July 1, 2022.

Ang iba pang gambling con drug pushers sa Batangas ay sina alias “Willy Bokbok” sa Nasugbu at alias “Timmy” na nag-ooperate sa mga bayan ng Mabini at San Pascual.

Tila apoy ding kumalat na pati ang pangalan nina DILG Secretary Benhur Abalos, PDG Azurin Jr. at PBM Nartatez Jr. ay ipinangingikil ng protection money nina alias Ocaampo, alias Kap Burgos, kasama ang iba pang tong kolektor na sina alias Miguel, Boy Negro, Roger, Sgt Rey, Anrico, Sgt. Romero at Sgt., Marcial.

Walang mintis ang mga nasabing kolektor sa pag-iikot sa mga kuta ng paihi sa bayan ng Lemery na ino-operate nina alias Glen at Dondon na kapwa dummy ng isang Malabon City-based Tsinoy at sa pwesto ni alias Kap Dan na nag-ooperate din ng paihi ng petroleum at oil product sa Lipa City.

Kasali sa kanilang tinatarahan ng protection money ang mga Quezon Province-based paihi group na sina Lito ng bayan ng Candelaria; Lani sa Brgy. Lalig Tiaong; Hiwatig S. sa Brgy. Loob, San Antonio; Toper sa By-Pass Road, Brgy. Gisgis, Sariaya; at Bobby sa Brgy. Talim, Eco Road, Lucena City.

Kabilang din sa iniuulat na nagbibigay ng protection money sa grupo nina Ocampo ay ang mga maintainer ng STL-con jueteng at financier din ng kalakalan ng droga sa lalawigan ng Quezon na sina alias Fando na nag-ooperate sa mga bayan ng Catanauan at Sariaya; Boss Ejay sa Sariaya; Rayman sa Tagkawayan; Isla ng mga bayan ng General Nakar at Tiaong; at Banong na kumikilos din sa munisipalidad ng Tiaong, ayon pa sa grupo.

Ang ilan naman sa Laguna-based gambling at big-time drug pusher na protektado ng grupo ng intelhencia kolektor ay sina Jayson na nag-ooperate sa mga bayan ng Sta. Cruz, Siniloan, Mabitac, Los Baños, Bae, Sta Maria, Calauan, Pagsanjan at Liliw; Timmy at Sgt Barreto sa Biñan, Sta Rosa, Cabuyao, San Pedro at iba pang lugar sa 2nd District ng Laguna; Marvin at alias Kap Manguiat sa Calamba City; Orlan sa San Pablo City at Alaminos; at alias Benir sa Rizal.

“ Para magkaroon ng makabuluhan at tunay na pagbabago, kailangang palitan ni Pangulong Marcos sina Azurin Jr. at Nartatez Jr.pati ang mga tatamad-tamad at kunsintidor nilang mga provincial director at hepe ng mga kapulisan ng siyudad at bayan”, diin ng anti-crime crusaders. (CRIS A. IBON)