Advertisers
Ni WALLY PERALTA
KUNG mayroon mang isang sikat na celebrity ang proud father sa ngayon, ito ay walang iba kundi si Piolo Pascual. Hanggang ngayon ay nasa cloud 9 pa rin si Piolo lalo na pag napapanood ang mga eksena ng kanyang unico hijo na si Inigo Pascual sa isang international Fox serye na may pamagat na “Monarch”.
Mas lalong nagiging proud si Piolo sa anak nang makarating sa kanya ang balitang halos lahat ng kamag-anakan nila sa States ay pinapanood ang serye na kasama si Inigo.
“Napapa-smile ako palagi tuwing may mababasa akong article, kapag may magpo-forward sa akin ng snippets ng show niya, especially from the States. Even my relatives from the States are so proud of him. Alam mo ’yung napapanood mo sa primetime sa States, sa Fox na talaga namang sabi ko, ‘Kahit clinaim natin ’yan, hindi mo iisipin na mangyayari at mangyayari.’ Ngayon, nangyari na,” say ni Piolo.
Isa pa rin sa labis na ikinasisiya ni Piolo ay ang pagkaalis ni Inigo sa shadow niiya. As in, mas nakikilala si Inigo pag sinabing ‘anak ni Piolo’. At tsika pa na tila na-outshine pa ng anak ang ama dahil sa may nag-open ng door kay Inigo para makilala internationally.
“It’s sort of a relief as well because you know, in our business, you can’t help but be compared. At least, he’s out of my shadow and at this point, he’s growing on his own. At least, hindi mo na iisipin na ‘Anak ka ni Piolo.’ Hindi ka na mako-compare sa tatay mo. He’s making his own mark and I’m sure, there’s still a lot of things that he can do,” dagdag pa ni Piolo.
***
NAKILALA sa industriya ang pangalang Jay Manalo nang gawin niya ang sexy movie na “Totoy Mola”. Halos lahat ng sexy star noong dekada 90 ay nakatambal ni Totoy at nabansagan pa noon na pantasya ng mga kababaihan. Bagama’t nalinya sa mga sexy role ay nagkaroon ng limitasyon si Jay sa kanyang pagpapaseksi.
Pero sa latest movie niya under Vivamax, ang “Girl Friday” na streaming Sept. 30 in all Vivamax apps, with Angeli Khang at Jela Cuenca, nag-all out na si Jay, at yan ay dahil malaki ang kanyang tiwala sa kanilang direktor na si Direk Joel Lamangan.
Isa sa ‘nakinabang’ ng pagiging mapangahas ni Jay ay si Angeli.
“Si Jay kasi ang lead actor sa ‘Girl Friday’, na isa sa pinakamapangahas na pelikula na ginawa niya bilang aktor at napapayag siya ni Direk Joel na gawin ang mga maseselang eksena,” say ni Angeli.
Ang “Girl Friday” ang pangalawang proyekto na pinagsamahan nina Jay at Angeli.
“It’s been nice working with Kuya Jay. He’s really different from on-camera and off-cam.
“Every day, may pagkain na handa. Lagi siyang nagpapaluto ng tuyo o kaya mga home-cooked food sa set. Palaging masaya kapag nasa set si Kuya Jay.
Mas naging close kami sa movie na ‘to dahil sa last movie namin, ‘Mahjong Nights’, hindi kami masyadong nag-uusap dahil super mahiyain ako. Hindi talaga ako masyadong nagsasalita. Sabi ko nga kay Kuya Jay, baka kami na ang magka-tandem dahil palaging kami ang magka-partner sa movie,” dagdag na say ni Angeli.