Advertisers
ARESTADO ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na wanted sa mga kasong murder at attempted murder sa Barangay Kalipay, Masbate City.
Kinilala ang akusado na si Benidicto Andojar Cesar, 51 anyos, may asawa, Punong Barangay ng Buenasuerte, Pio V Corpus at miyembro ng L2, KP4 sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias Manong, commander ng nasabing Larangan.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 49, Cataingan, Masbate sa mga kasong 2 counts murder na walang piyansa at 4 counts attempted murder na may P120K piyansa.