Advertisers

Advertisers

Vilma tinamaan ng COVID kahit anong ingat; Jomari binuking, kuripot ang anak na si Andre

0 259

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TINAMAAN pala ng COVID 19 si Vilma Santos. Siya mismo ang nagbunyag nito sa pamamagitan ng isang deo na ibinandera niya sa Facebook.
Ipinaliwanag ni Ate Vi na kasalukuyan siyang negatibo sa virus, pero sinabi raw sa kanya ng mga doktor na tinamaan siya ng pangmatagalang uri ng virus, ang tinatawag na COVID-19.
Sey ni Vilma, “Alam ko po na medyo matagal niyo po akong hinanap.
“Well, I’ll be frank, COVID got me at ibang klaseng COVID ko.
“Negative na ako pero ito ho raw ‘yung tinatawag nilang long COVID, ‘yung nagkaroon ng complications.”
Nabanggit din niya na patuloy siyang nakararanas ng ilang sintomas gaya ng asthma attack, pagbaba at pagtaas ng blood pressure at sakit ng ulo.
“I had an asthma attack, and then nagkaroon po ng mga fluctuating BP, headache, kahit na anong ingat na po ang ginawa ko, nakuha pa rin po ako ng COVID.”
Pinayuhan si Ate Vi ng mga doktor na magpahinga na muna habang hindi pa gumagaling sa mga sintomas.
Nagpaalala din siya sa publiko na laganap pa rin ang COVID-19 na sa kabila ng kanyang pag-iingat ay nahawaan pa rin siya ng virus.
“So I’m trying my very best to get back to the groove, so pagbigyan niyo muna ako ha.
“See, kahit ano na pong ingat ang gawin ko, nakuha pa rin ako ng COVID. So gusto ko lamang ipaalala sa inyong lahat na please, please COVID is still here at lalo na po sa mga katulad ko po sa mga edad ko na mga senior, you really have to be careful, hindi po talaga madali.
“Maski po ako nahirapan, I’m still trying my best to get well at this point in time.”
Lubos na nagpapasalamat ang actress-politician sa kanyang mga doktor na hanggang ngayon ay patuloy siyang inaalagaan.
“Sila po lahat ang talagang nagbabantay sa akin everyday, ‘yung sa homecare ko… Lahat ng doctors ko who really took good care of me actually up to this day,” ayon kay Vilma.
Humingi rin siya ng paumanhin sa kanyang fans dahil sa tagal na walang update at hindi na rin nakakasagot ng mga text. message.
Sey niya, “To all my Vilmanians, pasensya na kayo, alam niyo naman palagi ko sinasabi sa inyo na hindi ko nasasagot mga texts niyo, wala akong vlog. Pero ngayon, I’m trying my very best, babalik din tayo.”
***
SA interview kay Jomari Yllana sa DZRH, sinabi niya na matagal na silang hindi nag-uusap ng ex niyang si Aiko Melendez para sa co-parenting sa kanilang anak na si Andre.
Pero regular daw ang komunikasyon nila ni Andre dahil nasa tamang edad na naman daw ito.
“May kanya-kanya na kaming buhay, e. Masaya na siya sa kanyang buhay,” sabi ni Jomari tungkol kay Aiko.
“Okay naman si Andre, e. Nasa tamang edad na siya, 24 na siya. Okay naman ang komunikasyon namin,”
Na-open naman daw sa kanya ni Andre ang lahat, pati ang love life nito.
“Nagkaroon ng girlfriend iyan dati nung 17 or 18 years old, parang ganyan. Hinihintay ko na sabihin niya na ipapakilala sa akin.
“Sabi ko, ‘Oo, gusto ko naman makilala.’ Tapos after a week, hinanap ko. ‘Ipapakilala mo ba sa akin yung girlfriend mo?’
“Sabi niya sa akin, ‘Dad, wala na kami e.’ ‘Anong nangyari?’ ‘E, Dad, pag may girlfriend pala ang gastus-gastos.’“
“May pagkaku [kuripot]… ‘E, we’re okay, we’re friends. Hindi yata ako ready na magkaroon ng relasyon,’” kuwento ni Jomari tungkol sa kanyang anak.