Advertisers

Advertisers

Maine laos na, pa-exit na sa showbiz?

0 209

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAPAKASELOSO ng fans na AlDub at napansin ito ng netizens.
Nagpipilit kasi ang AlDub na di pa rin namamatay ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sumikat ang AlDub noon sa Kalye Serye ng Eat Bulaga.
Hanggang matapos ang tandem ng AlDub ay umaasa pa rin na magsama ulit sa isang project ang AlDub.
Pansin naman na tila lumamlam ang karera ni Maine nang mabuwag na ang loveteam nila ni Alden.
Mas lalong nagselos ang fans nang ipakilala ni Maine ang boyfriend na si Arjo Atayde sa birthday celebration nito sa sitcom dahilan para di na maisalba ang show.
Doon na nag-alburuto ang fans na super mega solid na buo pa ang AlDub.
Naimbiyerna ang Aldub Nation nang maglitanya si Maine na tigilan na ang ilusyon na buo pa ang love team nila ni Alden.
Bumitaw na rin kaya sila ng suporta kay Maine na matatagalan ang bakasyon o pangmatagalan na kasama ang bf.
***
Kim nabuking kung saan galing ang mga ibinebentang bags
TRUE ba na ang pagawaan ng bags o kinukahanan ni Kim Chiu ay sa ibang bansa?
Super gaganda kasi ng bags na ibinebenta sa kanyang online store na Little Bunny PH.
At kahit sino man daw artista na nag-oonline ay sa ibang bansa rin kumukuha ng items.
Sa pagbubuking nga ng Chika Belle ay sa Thailand umaangkat ng bags at ilang items ang mga artista.
Mura raw kasi pag wholesale ang kuha sa bags.
At di lang nga raw si Kim ang umaangkat ng mga items sa ibang bansa kundi kahit ang iba pa niyang kapwa artista ay doon din kumukuha.
Sa dami ng followers ni Kim ay sold out agad ang mga bags.
Kaya ganado si Kim na tutukan ang kanyang online store na patok sa netizens.
At dahil always sold out, this November ay abangan ang mga bagong items na ititinda online ni Kim na inaasahan ubos na naman.
Well, well, well…Yun na!