Advertisers

Advertisers

68th Annual National Mines Safety Environment Conference umarangkada!

0 493

Advertisers

MULING magtitipon ang mga mining company at stakeholders sa Lungsod ng Baguio mula ngayong araw na ito Nov.15 hanggang Nov 18, ito ay bahagi ng Ika 68th Annual National Mines Safety and Environment Conference.

Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA), sa layunin na ipromote ang occupational safety at health , environmental management at social responsibility.

Bukod sa pagtitipon tipon ng mga Minero sa bansa magbibigay din ng mga pagpaparangal sa mga mining companies na itinuturing na best of the best sa ibat Ibang larangan, tulad ng PMIEA awars, Best mine Forest program, Best supervisor, best miners at IBA pa sa ibat ibang kategorya metallic at non metallic, open pit at underground mining, exploration, processing atbp.



Ayon kay PMSEA President Louie Sarmienta Ito ang unang pagtitipon ng face to face ng mga Minero sa Pilipinas matapos ang Covid 19 pandemic, ang huling pagtitipon na face to face ay noon pang 2019. Dulot ng pandemya kung saan ang 67th at 68th Conference ay isinagawa sa virtual na pamamaraan bunsod ng mga limitasyon.

Binanggit pa ni Sarmienta na hindi ito Naging hadlang para kilalanin ang mga mining companies at ilang indibidwal na nagperform ng maayos kahit na nasa kasagsagan pa ang pamiminsala ng Covid-19 Pandemic sa bansa.

“Sa TAONG ito ang pagtitipon ay may temang Resilience,Reset, Recovery . Ang 4 na araw na event ngayong Taon tuwing Gabi ay may isasagawang socialization tulad ng welcome night at cocktails, mining night , cocktail fellowship nights at ang Testimonial Dinner kasabay ng awarding. Ang highlight ng event ay awarding ng Presidential Mineral Industry Environment Award (PMIEA) na kumikilala sa outstanding level ng dedication, initiative at innovation, environmental management, mineral development at utilization” ani PMSEA Pres. Sarmienta. (Cesar Barquilla)