Advertisers
Nakakuha ng advanced gift mula sa Villar family para sa kanyang ika-41 kaarawan (Nov.19) si Jeorge Vincent Giron, ng Sta. Rosa, Laguna, nang manalo ng Grand prize sa 11th OFW and Family Summit na idinaos November 18 sa Tent, Las Pinas City. Panay ang lukso at sigaw ni Jeorge Vincent Giron at ng kanyang misis at anak patungo sa stage kung saan tinanggap niya mula kina Sen. CynthiaVillar, House Deputy Speaker Camille Villar and Vista Landholding CEO Paolo Villar and “symbolic key” sa house and lot. Pinasalamatan ni Jeorge, na nasa bansa para sa isang buwang bakasyon, ang Villar Family sa kanilang adhikaing matulungan at suportahan ang OFWs. Tiniyak ni Sen. Cynthia at ng kanyang pamilya na ipagpapatuloy nila ang summit bilang pagkilala sa kadakilaan at sakripisyo ng ating “modern-day heroes” upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya at matulungan ang ating ekonomiya.