Advertisers
Apat na katao na pawang wanted sa kasong rape ang magkakasunod na naarestosa lalawigan ng Batangas nitong araw ng Linggo.
Ayon sa Batangas provincial police office, kabilang sa naaresto ang tatlong regional most wanted person at isang barangay kagawad.
Kinilala ang barangay kagawad na naaresto na si Jun Atienza, 47 anyos, barangay councilor at residente ng Barangay Dita, Lemery.
Inaresto ito ng mga tauhan ng Lemery police Linggo ng gabi, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 5, ng Lemery noon pang November 8, 2022.
Samantala, naaresto naman ng mga tauhan ng Batangas City police sa kanyang tirahan noong Linggo ng umaga sa Barangay Catandala, ang 29 anyos na construction worker na si Ronald Atienza sa bisa ng warrant of arrest sa tatlong kaso ng statutory rape at acts of lasciviousness.
Sa Batangas City pa rin, naaresto din Linggo ng umaga ang isa pang wanted sa kasong rape na si Justine Dipon sa Brgy. Alangilan.
Batay sa tala ang Batangas City police, nangyari ang mga krimen ni Dipon noong May 11 at 13, 2022 sa Pallocan West, Batangas City, at noong May 15, 2022 sa Kumintang Ibaba, at May 28, 2022 sa Brgy. Catandala, Batangas City kung saan ang biktima isang 12 anyos na batang babae.
Sa Lipa City naman, natimbog sa Barangay Mataas na Lupa, ang wanted din sa kasong rape na si Bryan Nao, 29 anyos , isang construction worker na tubong Mindoro.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 40, ng Calapan City, Mindoro Oriental dahil sa kasong rape na nagyari sa bayan ng Basud.
Samatala, Inaresto naman sa Brgy. Ligaya, bayan ng Mabini ang 31 anyos na diving instructor na si Marlon Sarong Austria, na napag-alaman na wanted din sa kasong rape by sexual assault sa Roxas, Palawan.
Ang suspek na natuklasang matagal ng nagtatago sa Barangay Bagalangit sa Mabini, Batangas at inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest mula sa RTC Branch 164 ng Roxas, Palawan.
Ang huling tatlong naaresto, nabibilang sa mga most wanted person sa CALABARZON region at maliban kay Austria, walang rekomendadong piyansa ang korte sa pansamantalang kalayan ng tatlong suspek.