Advertisers

Advertisers

May-ari ng motor, organizer lagot sa PNP sa sumabog na motorsiklo

0 205

Advertisers

PAPANAGUTIN ng Mapandan PNP ang may-ari ng motor at ang organizer sa nangyaring pagsabog ng motorsiklo sa Mapandan, Pangasinan kungsaan nasawi ng isang menor de edad at tatlo ang sugatan.

Ayon kay Police Captain Rolando B. Manzon, OIC ng Mapandan Police Station, bagama’t aksidente ang nangyari, mayroon parin pananagutan ang may-ari ng motor at ang organizer ng naturang event.

Sabado ng gabi sa naganap ang motor show. Isang Yamaha Aerox na walang plate number ang sumabog ang crank case cover at tumama ang mga sa mga biktima.



Kinilala ang nasawi na si Mark Anthony Moreno, 16 anyos; habang sugatan sina Mark Anthony Cunanan, 20, senior high school student; Ericka Grace Carino, 16, high school student; at ang may-ari ng motorsiklo na si Kim Justin Llena, 20, college student.

Nasapol ng debris sa tiyan si Moreno at lumuwa ang bituka nito, sanhi ng kanyang agarang kamatayan..

Nakalabas na ng ospital ang dalawa pang biktima habang nananatili namang naka-confine ang may-ari ng motorsiklo.

Naka-impound na sa Mapandan Police Station ang motorsiklo ni Llena.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">