Advertisers
TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala nang aasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong pang-Noche Buena bago ang Pasko.
Ito ay sa kabila ng mga hirit na taas-presyo ng ilang brand gaya ng keso, mayonnaise, ham, cream at pasta.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, huling increase na para sa mga noche buena items ngayong taon ang ipinatupad noong Nobyembre.
Pagdating naman sa mga basic necessities and prime commodities (BNPC), aminado si Castelo na hindi talaga mapipigilan ang pagtaas ng presyo nito.
Aniya, ang tanging magagawa lamang ng ahensya ay makontrol ang halaga ng paggalaw ng mga produkto.