Advertisers
Patay ang isang sundalo nang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili Linggo ng gabi sa Brgy. 3 Roxas Palawan.
Ayon kay Police Major Annalyn Palma ang hepe ng Roxas PNP, habang naglilinis umano ng kanyang service firearm ang naturang sundalo na hindi na pinangalanan 35 anyos na Sarhento na aksidente nitong nakalabit ang gatilyo ng isang caliber pistol na 9mm at tumama ang bala nito sa kanyang ulo.
Dagdag pa sa ulat, hindi umano namalayan ng sundalo na may isang bala pa sa chamber ng kanyang baril (Glock 17 caliber 9mm pistol).
Samantala, isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktima.