Advertisers
Saludo ang mga netizen sa 3 anyos na tinanghal na pinakabatang organ donor sa Pilipinas.
Matapos malunod at mamatay ang batang si Ezra Jacob Rosario, nagdesisyon ang mga magulang niyang i-donate ang mga organ niya at tissue sa iba’t ibang ospital para mabuhay ang iba.
Dahil dito, patuloy umanong mabubuhay sa alaala si Ezra pagkatapos ng kanyang kamatayan.
Ayon sa ulat, nalunod ang bata isang araw lamang makalipas maikasal sa simbahan ang kanyang mga magulang, na bumibisita sa Pilipinas mula sa Estados Unidos.
Itinakbo si Ezra sa St. Luke’s Medical Center nguni’t sa kabila ng makailang beses na pag-revive sa kanya idineklara itong ‘brain dead’.
Nagdesisyon ang mga magulang niyang i-donate ang dalawang kidney ni Ezra sa 24 anyos na pasyente.
Ang mga cornea naman nito inilagak sa Eye Bank Foundation of the Philippines.
Sa isang statement, kinilala ng Human Organ Preservation Effort ng National Kidney and Transplant Institute si Ezra bilang pinakabatang organ donor sa bansa at pinasalamatan ang kanyang pamilya sa pagiging mapagbigay sa kabila ng pinagdadaanang sakit sa pagkawala ng pinakamamahal na anak.
Narito ang reaksyon ng ilang netizen.
“Warm hugs.. saludo po ako sa inyo.”
“Praise God for the goodness of the heart of the child’s parents. Praying for comfort from the Lord during this difficult time po..”
“Nakakaiyak, nakakalungkot at saludo ako sa Jennae Carpio N JC sa decision niyo.”