Advertisers

Advertisers

Babaeng ‘kidnaper’ nagpanggap na pulis, nasabat sa checkpoint!

0 80

Advertisers

Nasita sa iligal na pagsusuot ng uniporme ng Philippine National Police (PNP) ang 36 anyos na babae na wanted sa kasong kidnapping sa Batangas.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Article 117 (Usurpation of Authority), at Article 179 (Illegal Use of Uniforms or Insignia) ng Revised Penal Code si Vanessa Teope Mago, tubong Naga City sa Bicol at taga-Brgy. San Isidro Sur, Sto. Tomas, Batangas.

Sa report ng Provincial Police Regional Office (PRO)-Region 4A public information office, pinara ng mga pulis si Mago habang sakay ng isang motorsiklo nang tangkaing lumusot sa checkpoint sa Brgy. Tumaway, Talisay, Batangas, nitong Noibyembre 21.



Katwiran ng mga awtoridad, sinita nila si Mago dahil nakasuot ito ng uniporme ng pulisya.

Sinabi ng mga pulis, hiningan nila ng identification (ID) card si Mago upang patunayang miyembro ito ng PNP, gayunman, wala itong maipakita kaya ito inaresto.

Sa presinto, nabisto si Mago na mayroong warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention at paglabag sa Presidential Decree 1829 (Obstruction of Justice) na nakabinbin sa Regional Trial Court Branch 63, sa Calabanga, Camarines Sur.

Pansamantalang nakapiit si Mago sa Talisay Municipal Police Station at nakatakdang dalhin sa Camarines Sur upang harapin ang patung-patong na kaso nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More