Advertisers

Advertisers

Pulis kulong habambuhay sa pag-torture at pagtanim ng ebidensya sa drug war victims

0 223

Advertisers

‘GUILTY’ ang naging hatol ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) laban sa isang pulis sa pag-torture at pagtanim ng ebidensiya sa pagpatay sa dalawang kabataan na sina Carl Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot” de Guzman na pinaniniwalaang ang mga kaso ay may kinalaman sa madugong war on drugs ng nagdaang Duterte administration.

Sa desisyon na inilabas ng Public Attorney’s Office (PAO), napatunayang ‘guilty beyond reasonable doubt’ si Patrolman Perez para sa lahat ng kasong isinampa laban sa kaniya.

Convicted si Perez sa paglabag sa Section 4 at 14 ng Republic Act 9745 (Anti-Torture Act of 2009) sa mga biktima. Napatunayan din itong guilty sa paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) dahil sa pagtatanim nito ng ebidensiya kay Arnaiz.



Sinentensiyahan ng ‘reclusion perpetua’ o hanggang 40 taon pagkakakulong si Perez.

Pinag-utos din ng korte ang multang P1 million para sa ‘moral damage’ sa iniwang pamilya ng dalawang biktima at ‘exemplary damages’ na nagkakahalaga ng P1 million o kabuuang P2 million sa kada tagapagmana ng mga biktima.