Advertisers

Advertisers

Arnell at Atty. Honey non-stop ang trabaho sa OWWA

0 228

Advertisers

SIMULA nang mag-assume bilang OWWA Administrator si Arnell Ignacio at Deputy Administrator for Operations naman si Mary Melanie “Honey” Quiño, napakaraming accomplishments na ang kanilang nagawa para sa ating mga kababayang OFWs.
Parang walang puwang sa dalawa ang salitang “pahinga” sa mga pagbabago na kanilang ginagawa para sa OWWA. Pinalakas pa nila ang kampanya para sa OWWA Cares Hotline na 1348 na 24 hours na bukas. Nandyan din ang “Parokya ni OWWA” na inaabot na sa barangay level ang pag-aalaga sa pamilyang naiwan ng ating mga OFWs.
Nandyan din ang mga scholarship programs ng OWWA na kamakailan lamang ay maraming nag-graduate sa top universities ng bansa na nakakuha pa ng Latin honors at mataas na recognition.
Bukod pa ryan ang bagong TV show ni Arnell na “Kabayan Abroad” sa SMNI tuwing Biyernes, 8-9pm ng gabi na naglalayong palawakin  ang abot ng OWWA sa ating mga kababayang nagtatrabaho abroad.
Si Atty. Quiño ay  Chief Operating Officer din ng kilalang movie App na AQ Prime na mada-download sa Google play at Apple store.
Malapit na ring magbukas ang “Migrant’s Brew” coffee shop sa lobby ng OWWA. Layunin nito na bigyan ng libreng coffee at snacks ang mga nagpupuntang OFW habang nag-aayos sila ng kanilang mga concerns at papeles.
Kitang-kita na priority nina Arnell at Honey ang puspusang serbisyo sa ating mga kababayan at masuwerte ang mga naabutan ng tulong na dahil nararamdaman nila ang sincerity ng dalawa pagdating sa kapakanan nila pati na ng kanilang mga pamilya.