Advertisers
NASAWI ang lima katao kabilang ang isang bata at sugatan ang 16 iba pa nang magbanggaan ang dalawang trak sa isang highway sa Barangay Agusan, Cagayan de Oro nitong Lunes ng umaga, Disyembre 5.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Alvin Escabalte, driver ng isang cab-over pickup truck, at apat sa kanyang mga pasahero kabilang ang isang bata at 76-anyos na lalaki.
Ayon kay traffic investigator na si Corporal Rodolfo Abaday Jr., patungo si Escabalte at ang kanyang mga pasahero sa bayan ng Tagoloan, Misamis Oriental nang bumangga ang trak sa isang delivery truck na may kargang mga manok 4:00 ng madaling araw.
Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng delivery truck na si Julieto Jabagat.
Sa report, karamihan sa mga biktima ay magkakamag-anak na naglalakbay mula sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula patungo sa kanilang bayan sa Misamis Oriental.
Sinabi ni Jabagat na sinubukan niyang umiwas sa trak na patungo sa Tagoloan na dumiretso sa kanyang direksyon ngunit hindi napigilan ang banggaan.
“Napakabilis ng nangyari. Nakatulog yata si Escabelte,” sabi ni Jabagat.
Sinabi ni Jabagat naman na lumihis ang isa pang trak sa kanyang lane.
Nahaharap si Jabagat sa mga reklamo ‘reckless imprudence resulting in homicide’, ‘physical injuries’, at ‘property damage’.