Advertisers

Advertisers

Kapakanan ng kabataan sa Caloocan, pinaigting

0 155

Advertisers

Ipinahayag ni Caloocan City Mayor Along Dale Gonzalo “Along” Malapitan na kanyang pinalakas ang pangakong protektahan ang kapakanan ng mga bata sa kanyang pamumuno sa paglagda sa Child Protection Policy ng Caloocan City Bahay Pag Asa (BPA) nitong Lunes, Disyembre 5.

Matatagpuan ang nasabing tatlong palapag na pasilidad sa Torcillo St., Barangay 28, South Caloocan at kasalukuyang tumutugon sa kabuuang 60 children in conflict with the law (CICLs) at children at risk (CARs), na tumutulong sa kanila na magkaroon ng positibong pagbabago sa pamamagitan ng serye ng mga programa.

Bukod dito, nangunguna rin ang nasabing lugar sa rehabilitasyon para sa mga dumanas ng pang-aabuso at pagmamaltrato.



Ayon kay Mayor Malapitan, naglalayon ang hakbang na ito upang itampok ang dedikasyon ng pamahalaang lungsod na panatilihing ligtas ang mga bata at bigyan sila ng kinakailangang suporta upang magtagumpay sa buhay.

“Nais nating pagtibayin ang mga polisiya ng Pamahalaang Lungsod upang maprotektahan at mapabayan ang ating mga kabataan, lalong lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso at mga naligaw ng landas,” wika ni Mayor Along.

“Hangad din natin na mabigyan sila ng pantay na pagkakataon na magtagumpay sa buhay sa kabila ng kanilang mga pinagdaraanan,” dagdag ni Along.

Ang nasabing patakaran bunga ng komprehensibong serye ng mga pagsasanay para sa mga tauhan ng Bahay Pag Asa, na kinabibilangan ng gabay sa mga serbisyong ibinibigay ng organisasyon alinsunod sa Republic Act no. 9344 o mas kilala bilang ‘Juvenile Justice Welfare Act’ na sumasaklaw sa pag-iwas, rehabilitasyon, at muling pagsasama ng mga CICL sa lipunan.

Sinaksihan ang paglagda ng mga kinatawan mula sa BPA, mga miyembro ng civil society groups at mga empleyado mula sa City Social Welfare Development Department.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">