Advertisers

Advertisers

NAGPUPUTOK ANG BUTSE NI CYNTHIA VILLAR (2)

0 356

Advertisers

WALANG positibong reaksyon sa publiko kapag binabanggit ang pangalan ni Cynthia Villar. Kapag nabanggit, santambak na negatibong reaksyon ang maririnig upang uriin ang kanyang pagkatao: matapobre; mapanlait; mayaman na abusada pero walang alam; mababaw. May mga personal na akusasyon pa. Hindi siya kagiliw-giliw sa mata ng publiko publiko kahit nanguna siya umano noong 2019 sa halalan sa Senado.

Hindi maintindihan kung bakit hindi siya nakuha ng Writ of Kalikasan na kanyang isinampa na petisyon sa Korte Suprema kontra DENR, PRA, EMB, Alltech Contractor at iba pa kaugnay ng sakdal upang itigil ang 634-ektarya na reclamation project sa baybay dagat ng Las Pinas City at Parañaque City. Ibinasura ng Korte Suprema noong 2021 ang petisyon ni Cynthia na humihingi ng Writ of Kalikasan. Hindi natigil ang proyekto kahit ano ang ingay at taray niya.

Unang iniatas ng Korte Suprema sa Courts of Appeals (CA) ang petisyon ni Cynthia. Ibinasura ito ng CA noong ika-26 ng Abril 2013. Isinampa ang sakdal sa Korte Suprema at pagkalipas ng walong taon, kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng CA. Hindi nagbago ng katwiran ang kataas-taasang hukuman. Nabigong patunayan ni Cynthia na may malaking panganib ang proyekto sa kaligiran ang proyekto.



Hindi napatunayan ni Cynthia na magbubunga ng matinding baha ang proyekto sa siyudad ng Las Pinas at Paranaque. Hindi kinatigan ng Korte Suprema ang mga argumento ng kanyang kampo. Walang matwid para maglabas ng Writ of Kalikasan ang husgado at tuluyang pigilan ang reclamation project. Matinding sampal ito sa mukha ni Cynthia.

Kinatigan ng Korte Suprema ang sinabi ng CA na hindi napatunayan ng mga isinumiteng katibayan ni Cynthia na totoong malulubog sa baha ang dalawang siyudad. Pangunahin ang mga ebidensiya ang pag-aaral ng Tricore Solutions, Inc. (Tricore), isang research firm, at Center for Environmental Concerns-Philippines (CEC-P), isang civil society organization. Kinumisyon ni Cynthia ang dalawang organisasyon, ayon sa CA, ngunit hindi umano sila gumawa ng mga mahahalagang pag-aaral sa larangan ng hydrology at hydraulics upang patunayan na magbabaha dalawang siyudad.

Ayon sa Korte Suprema: “The CA did not give credence to Tricore’s report wherein it was concluded that the proposed project would cause an increase in flood depth and inundate two-thirds of Las Piñas, Parañaque, and Bacoor for lack of sufficient basis. For the CA, the findings in Tricore’s report were refuted by Alltech who was able to establish that measures were designed to mitigate the dreaded negative impacts of the proposed project.

“The CA also did not give credence to CEC-P’s study. The CA noted that CEC-P already had a conclusion in mind when it conducted its study at Villar’s behest as it deliberately ignored the ECC and the studies conducted by DCCD Engineering Corp. (DCCD), Surbana International Consultants PTE Ltd. (Surbana), and DHI Water & Environment (S) Pte. Ltd. (DHI). The CA also noted that CEC-P relied on the EPRMP submitted in August 2010 and not the final EPRMP Alltech submitted in December 2010, making its findings inaccurate and unreliable.31

“The CA also held that the precautionary principle, which shifts the burden of proof to the project proponent to prove that the threat to the environment does not exist, cannot be favorably applied to Villar’s cause. The CA explained that the threat was not established and that the volumes of data generated by objective and expert analyses ruled out the scientific uncertainty of the nature and scope of the anticipated threat. Thus, the CA was not convinced that sufficient ground exists to grant the privilege of the writ of kalikasan.”

Matindi ang implikasyon ng desisyon ng Korte Suprema na tuluyang nagbabasura sa petisyon ni Cynthia Villar at kumatig sa naunang desisyon ng CA na hindi bigyan ng Writ of Kalikasan upang itigil ang reclamation project. Isa ang CEC-P sa mga civil society organization na maingay at walang tigil sa batikos sa mga reclamation project sa Manila Bay. Isa ito na nagtataguyod ng programang “reclamation-free Manila Bay.”



Ipinakita ng desisyon ng Korte Suprema noong 2021 na hindi lubos na naniniwala ang husgado sa ipinaglalaban ng CEC-P. Kulang sa agham, ayon sa Korte Suprema. Kulang sa mga batayang siyentipiko upang kumbinsihin ang hukuman na may matuwid ang kanilang panawagan na itigil ang mga reclamation project sa Manila. Mukhang hanggang ingay sila at wala talagang mailabas na totoong patunay na may problema sa mga reclamation project.

Batay sa desisyon ng Korte Suprema, hindi kami sigurado kung tuluyang makukumbinsi ng CEC-P at ng civil society na may batayan ang kanilang pagtutol sa mga reclamation project sa Manila Bay. Mukhang isa itong dahilan kung bakit hindi sila naghaharap ng anumang sakdal sa hukuman upang itigil ang mga reclamation project. Walang bilib ang husgado sa civil society sa kanilang mga batikos.

Minsan sinabi ni DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga sa kanyang pagharap kamakailan sa budget hearing ng Senado na ibabatay sa agham ang anuman desisyon na gagawin ng kanyang opisina. Sapagkat kulang sa agham ang batikos ng civil society sa mga reclamation project sa Manila Bay, hindi kaya ito na ang sagot ni Toni Loyzaga sa ingay ng civil society?

Maingay sa mass media ang mga civil society organization bagaman walang silang inilalabas na tuwirang sagot na batay sa agham sa mga reclamation project. Marapat na mag-usap-usap ang iba’t ibant samahan at organisasyon na nanawagan ng reclamation-free Manila Bay. Ilabas ang mga pag-aaral at datos kung mayroon talagang ilalabas. (Tatapusin)

***

SA DAMI at uri ng batikos laban sa panukalang Maharlika Wealth Fund, hindi kami magtaka kung iurong ni Ispiker Martin Romualdez ang panukalang batas na nagtatakda ng panibagong pondo para sa gobyerno. Tanging si Joey Salceda at Migz Subiri ang nanindigan at matiyaga na ipaglaban ang panukala. Bantulot ang maraming mambabatas na tumayo sa usapin. Naunahan ng pangamba at takot sa delubyo ng mga kumokontra sa panukala.

Samut-saring kuro-kuro ang inabot kontra Maharlika Fund. Ani Raissa Robles, mamamahayag: “The unpaid Marcos estate tax is at least P203 billion, while the Maharlika Wealth Fund seed money needed is P275 billion. So the unpaid Marcos estate tax could actually COVER most of that needed seed money. Problem solved!” Sa maikli, pagbayarin ang mga Marcos sa kanilang utang sa buwis at hindi na kailangan ang Maharlika Fund.

Pinagtatawanan si Salceda sa kanyang pahayag na “risk-free” ang Maharlika Fund. Malinaw na kagaguhan ang kanyang sinasabi. Walang reputasyon ang panukala dahil isinulong ito ng mga Marcos at Romualdez na tinitingala dahil sa pandarambong nila sa kaban ng bayan. Hindi sineseryoso si Salceda. Hindi siya dinidibdib.

May sinabi rin na mahalaga si Neri Colmenares, dating kongresista: “Ang kailangan natin dagdag na SSS pension, hindi dagdag na pagkakataon sa corruption. I say no to the Maharlika Wealth Fund.” Sa totoo, puro pakabig lang ang gobyerno. Hindi nagtutulak or nagbibigay sa mga mahihirap. Sobrang pahirap ang gobyerno sa sambayanan.

“It is worrisome and suspicious that the company created by the proponents would invest money which isn’t theirs. Apart from conflict of interest, this could become a nest of corruption,” ani House Deputy Minority Leader France Castro

***

MGA PILING SALITA: “The Duterte administration probably thought that a nondisclosure agreement would shield them from audit. The WB and ADB don’t work that way. All fundings are subject to audit. Professional ang mga yan, hindi tulad ng ka-deal nilang Chinese na puro hao siao.” – Joel Cochico, netizen, social critic
“Ito ang sabi ni Kris Aquino: Sabihin na ang nais ninyo kontra sa aking ama. Pero isa siyang bayani sa sambayanang Filipino. Tama!” – PL, netizen