Advertisers

Advertisers

Shabuhan sa Bacolod City

0 166

Advertisers

ISANG concerned citizen mula sa Bacolod City, Negros Occidental ang nag-text sa atin hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa kanilang barangay:

“Sir, talamak po talaga ang shabu sa Barangay Banago, Bacolod City. Tuwing madaling araw ang mga pusher sa kalsada ng Purok Langis nakatambay. May mga flashlight silang dala, ibig sabihin nyan nagbebenta sila ng shabu.

Maraming pamilya na po ang nasira sa shabu dito.



Pati po sa Purok Kawayan, Barangay Banago, talamak din ang bentahan ng shabu.

Isa po sa mga nagtutulak dito ay si “Ronald”. Armado po ito. Siya ang nagbabagsak ng shabu sa mga purok ng Langis, Kawayan, Katilingban at San Mateo ng Brgy. Banago.

Kahit sa Sibucao, Sigay damo din shabu.

Inire-report ko po ito dahil marami akong anak na mga menor de edad pa. Natatakot ako na baka pati sila ay ma-adik din sa iligal na droga.

Sana po ay maiparating nyo ito sa aming mayor dito sa bacolod City lalo na po sa PDEA. Salamat.” – Concerned parent

Naniniwala ako sa report na ito ng concerned parent. Dahil maraming beses na akong nakakatanggap ng sumbong tungkol sa talamak na bentahan ng shabu sa Barangay Banago.



Kaya nananawagan tayo kay Bacolod City Mayor Alfredo Benitez lalo sa hepe ng Bacolod City PNP na aksiyunan ang sumbong na ito ng kanilang nasasakupan, ayon na rin sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang mga iligal na droga sa bansa.

Aksyon, Mayor, Chief!

***

Hindi dapat palusutin ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. itong isinusulong na panukala ng kanyang pinsan, House Speaker Martin Romualdez, at kanyang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative “Sandro” Araneta-Marcos, na ‘Maharlikal Investment Fund Act’.

Unang-una, ang magsasakripisyo rito ay ang mga pensioner ng SSS at GSIS dahil pondo ng state insurance na ito ang gagamiting pondo rito sa Maharlika fund. Paano kung mabangkarote ito? ‘Di natigil ang pension ng SSS at GSIS pensioners?

Nangyari na ito sa ibang mga bansa, kungsaan naubos lang ang pondo dahil sa mga katiwalian, at ang nagdusa ay ang taong bayan.

Oo! Hindi dapat ipagkatiwala ang pera ng mga miyembro ng SSS at GSIS sa Maharlika wealth fund na ito dahil napakaraming tulisan sa gobyerno. Mismo!

Maging ang Super Ate ni PBBM na si Senador Imee Marcos ay hindi komportable sa isinusulong na ito ng kanyang pinsan at pamangkin.

“Huwag nang isama ang SSS at GSIS, ibang usapan ang retirement funds. Dapat zero risk yan.

Nauubos na nga sa inflation at taas ng presyo, kung saan pa ilalagay? ‘Wag naman mauwi sa AFSLAI, AMSLAI, at kung anu-ano pang ‘slai’ kung saan winaldas ang pera ng kawawang mga sundalo, no! Hindi dapat maging state-run venture cap ito!”, say ni Super Ate Imee.

Sa Maharlika Investment Fund, kukuha ito ng P125 billion sa GSIS, P50 billion sa SSS, P50 billion sa Land Bank, P25 billion sa DBP, at P25 billion mula sa National Treasury.

Ang tawag dito ng mga taga-oposisyon ay scam!

Say nyo, SSS at GSIS pensioners?