Advertisers
ISANG Pinoy ang kumpirmadong kabilang sa mga nasawi sa karumal-dumal na pamamaril sa Los Angeles, California.
Kinilala ng Los Angeles County Coroner’s office ang biktima na si Valentino Alvero, 68 anyos.
Sa ulat, kinumpirma ng mga kaibigan ni Alver na isa ito sa mga napatay sa pamamaril sa Monterey Park.
Bagama’t hindi inilabas ang mga pangalan ng iba pang biktima, sinabi ng tanggapan na ang limang babae at limang lalaki na napatay ay pawang nasa edad 50 pataas.
Sa report, kumitil ang naturang masaker ng 11 katao.
Ang gunman na kinilalang si Huu Can Tran ay nagpakamatay, binaril ang sarili habang nasa loob ng van sa Torrance nang kumilos ang mga pulis para arestuhin ito.
Una rito, ayon sa mga awtoridad, ‘selos’ ang tinitignan na ugat ng krimen.