Advertisers
INIIMBESTIGAHAN ngayon ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kanilang 30 mga tauhan dahil sa pagkaka-sangkot sa mobile wallet corruption scheme sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay acting BuCor Chief Gregorio Catapang, ang naturang mga tauhan ng BuCor ay isinailalim na sa preventive suspension.
Siniguro rin ni Catapang na kakasuhan nila ang naturang BuCor guards dahil sa pagsasagawa ng illegal activities sa loob ng BuCor.
Una nang nagsumbong ang ilang inmates sa paniningil sa kanila ng ilang Bilibid guards ng P100 sa bawat P1,000 na pinapadala sa kanila ng kanilang mga kaanak sa pamamagitan ng sikat na E-wallet application.
Nakumpiska rin mula sa kanila ang P300,000 na kinita ng mga ito mula sa nasabing iligal na aktibidad.