Advertisers

Advertisers

Barikada ng anti-mining sa Sibuyan binuwag ng pulisya: 2 sugatan

0 174

Advertisers

SUGATAN ang dalawa katao sa ginawang dispersal sa human barricade na binubuo ng mga residente ng San Fernando, Sibuyan island, Romblon upang pigilan ang mining operations sa naturang bayan Biyernes ng umaga.

Ayon sa environmental group Alyansa Tigil Mina (ATM), gumawa ng barikada ang mga residente dahil sa di-umano’y iligal na mining operations ng Altai Philippines Mining Company na hindi makapagpakita sa mga nagprotesta ng kaukulang legal na mga dokumento para makapag-operate.

“Two were hurt after Sibuyonon defenders try to block mining trucks in entering the private port. Three trucks with nickel ores passed through the barricade today,” saad ng ATM sa isang Facebook post.



“Three trucks with nickel ores passed through the barricade today”, sinabi pa ng grupo.

Magdalawang linggo nang nagbabarikada ang mga residene sa lugar ng mining, sa Sitio Bato, Barangay Span pero wala pang tugon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangyayari.

Sinabi ni San Fernando Mayor Nanette Tangsingco na walang permit ng local government ang pagmimina sa lugar, pero wala itong ginagawang hakbang para pigilan ang paghakot ng nickle ores ng Altai na gumawa rin ng sariling pier sa lugar kungsaan nakahimpil ang barko na hahakot ng ores patungo sa ibang bansa.

Ang Altai Mining Philippine ay pag-aari ng Gatchalians.