Advertisers

Advertisers

#PINAKAMAKINANG concert ng Brilliant Skin Essentials, idaraos ngayon sa Araneta

0 194

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

DAHIL sa nalalapit niyang kaarawan sa Feb. 14, Araw ng mga Puso at bilang pasasalamat na rin sa mga nagmamahal at sumusuporta sa Brilliant Skin Essentials, Inc. magdaraos ng isang #PINAKAMAKINANG:The Brilliant Concert 2023, ang kumpanya na pamamahalaan ng CEO at lady boss na si Ms. Glenda.
Gagawin ang concert ngayon, Feb. 7, sa Smart Araneta Coliseum.
Maituturing na comeback concert ito ng Brilliant Skin matapos magsagawa noong 2019 bago pa nangyari ang pandemic.
Ang #PINAKAMAKINANG concert ay pangungunahan ni Ms. Glenda na lalahukan din nina Alden Richards, Jona, Morisette, Adie, Mayonnaise, Kamikazee, Drag Queens.
Dadalo rin sa pagtatangal ang Brilliant Skin ambassadors na sina Seth Fedelin, Jillian Ward, Zeinab Harake at Andrea Brillantes.
Sina MIss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, MC at Lassy at Sam YG ang magsisilbing hosts ng konsiyerto.
Sina Korina Sanchez at Sen. Raffy Tulfo naman ay special guests din sa show.
Tsika ni Ms. Glenda, ang #PINAKAMAKINANG daw ay isang thanksgiving concert ng Brilliant Skin Essentials para sa kanilang loyal users, friends, resellers, distributors and franchisees na walang sawa sa pagsuporta sa kanilang pamilya.
Idinagdag pa ng magandang CEO na ang concert ay ipalalabas nang libre sa Big Dome.
Maliban sa Brilliant Skin gift packs, may lucky winners na makapag-uuwi ng sampung Yamaha Mio motorcycles, at 2 brand new cars.
Ang Brilliant Skin Essentials, Inc. ay namamahagi rin ng tulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng charitable organization nitong Brilliant Love.