Advertisers
Patuloy sa pagsasagawa ng outreach activities, inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga mahihirap na residente sa bayan ng San Manuel at Ramos noong Sabado, isang araw matapos silang magsagawa ng katulad na pamamahagi ng tulong sa Concepcion.
Sa kanyang video message, binigyang-diin ni Go na ang pamahalaan ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagpapalakas ng ekonomiya at paghahatid ng kalidad na serbisyo publiko upang matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino, lalo sa mga mapanghamong panahon.
Kamakailan, iniakda at itinaguyod ni Go ang Senate Bill No. 1594 na naglalayong i-institutionalize ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Program. Kung maisasabatas, makatutulong ito na mapalakas ang pagsusulong ng pagbabago sa Micro, Small at Medium Enterprises.
“The proposed measure shall assist and capacitate MSMEs in developing new, innovative and more complex products and services through significant improvement in the areas of quality, product development, design, packaging, standards compliance, marketability, production capability, brand development, sustainability, and securing licenses, product registration and other market authorization, among others,” paliwanag ni Go.
Idinaos sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa San Manuel at Sangguniang Bayan Hall sa Ramos, ang pangkat ni Go ay nagbigay ng ayuda sa 66 nahihirapang residente. Namigay din sila ng mga cellular phone at sapatos sa mga piling benepisyaryo.
Ang Department of Social Welfare and Development naman ay nagpaabot ng tulong pinansyal sa bawat mahihirap.
Si Go, tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ay palaging nakatuon sa pagpapabuti ng access sa abot-kayang pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagtatayo ng mas maraming Super Health Center sa bansa.
Sa Tarlac, ang Super Health Centers ay pinondohan noong 2022 para sa mga bayan ng Gerona, La Paz, Paniqui, Victoria, Mayantoc, at San Jose, na personal niyang inspeksyon noong Marso 9.
Ngayong taon, ang Super Health Centers ay pinondohan para sa mga bayan ng San Manuel, Camiling, Capas, Concepcion, Moncada, San Clemente, Santa Ignacia at sa Lungsod ng Tarlac.
“Isinulong ko po talaga ang pagpapatayo ng mga Super Health Centers sa buong Pilipinas dahil alam ko po kung gaano ninyo kailangan na mapalapit sa inyo ang serbisyong medikal ng gobyerno,” sabi ni Go.
“’Yung mga nasa probinsya po, lalo na ‘yung mga nasa liblib na lugar, ‘yun po ang target na tayuan ng mga Super Health Centers. Para po masiguro na hindi na po nila kailangang lumayo at gumastos nang malaki para lang makapagpaospital,” dagdag niya.
Bukod dito, sinabi ni Go na mayroon ding Malasakit Center sa Tarlac Provincial Hospital sa Tarlac City kung saan ang mga residente ay maginhawang makapag-aavail ng medical assistance program mula sa gobyerno.
Pangunahing inakda at itinaguyod ni Senador Go ang Republic Act No. 11463, o kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, upang matiyak na ang mga mahihirap ay madaling maka-access sa mga tulong medikal ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office. Sa kasalukuyan, mayroon nang 156 Malasakit Centers sa buong bansa.