DILG Sec. Abalos at PNP Chief Azurin pansinin ang “Bantay Lahat, Lahat Bantay” ni P/Brig. Gen. Vincent Calanoga!
Advertisers
Kung meron dapat mapansin at mabigyan ng pagkakataon para sa posisyong Regional Director ng Philippine National Police ay pwedeng pwede mga Ka Usapang HAUZ ang isa sa miyembro ng PNPA Class 91 P/Brig. Gen. Vincent Calanoga.
Nais ipaalam ng Usapang HAUZ sa masipag, makatao, makadiyos at siyempre ang kaayusan at katahimikan ng bansa ang isa sa laging nasa isipan ng ating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na merong isang heneral ng PNP na tahimik lang subalit sa pagpapatupad ng kaayusan ay number 1.
Wala ng paligoy ligoy pa Sec. Abalos ito ay si P/Brig. General Vincent Calanoga na kasalukuyang naka assign sa (PNP-HRAO) Human Rights Affairs Office ng PNP, kung sa puwesto ay masasabi natin mga Ka Usapang HAUZ na maganda naman dahil may kalalagyan ang mga nagmamalabis na pulis subalit sayang na sayang ang abilidad nito sa pagpapatupad ng katahimikan at kaayusan ng mga bayan.
Bigyan natin ng maikling background itong si Gen. Calanoga at baka kung hahabaan natin ay hindi magkasya sa isang pahina ng Police Files Tonite, taong 2014 ng mabigyan ng pagkakataon maupo bilang Marikina City Chief of Police at dito nito ipinakita nito ang husay sa pagpapatupad ng batas.
Sa mahigit na dalawang taon na panunungkulan bilang COP ng Marikina ni Gen. Calanoga walang naging sakit ng ulo si Mayor Del De Guzman sa halip ay lalong nakilala ang Siyudad ng Marikina kung ang pag-uusapan ay peace and order kung kaya’t dumagsa ang mga negosyante sa pagtatayo ng kanilang mga negosyo kasi nga tahimik at maayos.
Mula 2014 hanggang 2016 nahawakan ng Marikina City ang Best City Police Station sa buong National Capital Region (NCR) dahil sa mahusay na pamamalakad ni Gen. Calanoga at sa tulong na rin ng lokal na pamahalaan, hindi rin nagkaroon ng puwang ang mga illegal gambling sa Siyudad.
Nais ring ipagmalaki ng Usapang HAUZ ang ginawang pakikisalamuha at pakikipag-usap hinggil sa katahimikan at kaayusan ng bawat lugar o Barangay ni Calanoga kung kaya’t nakamit nito ang malawak na suporta mula sa HOA, TODA, Bikers, Motorcycle riders, at iba pang mga organisasyon sa siyudad.
Dahil dito natigil ang killings ng mga riding in tandem, napigil din ang motornaping, nanewtralize yung mga gunman, carnapers, akyat bahay gang at maging ang mga holdapers kung saan nahuli rin ang matagal ng sakit sa ulo ng siyudad ang number 1 drug personality.
Nakatanggap din ng papuri ang Marikina City Police Station sa NCRPO maging sa Eastern Police District Command dahil sa daming accomplishment sa drugs unprecendented mula 2014 hanggang 2016.
Maging ang mga Religious Group pala ay nakipag-dyalogo itong si Gen. Calanoga para makatuwang sa kanyang adhikain na manatiling maayos, tahimik at payapa ang mga komunidad.
Nais ring ipaalam ng Usapang HAUZ sa butihing DILG Sec. Abalos na never nagkaroon ng hindi magandang pagtitinginan ang mga kagawad ng Media at mga tauhan nitong si Gen. Calanoga dahil sa maayos nitong pakikitungo.
Kahit ano pa sigurong build up ng Usapang HAUZ sa katauhan ni P/Brig. Gen. Calanoga kung hindi rin papansinin ng mga nakakataas ay balewa ang mahusay nitong pamamalakad.
Sa parte naman ng ating PNP Chief, Rodolfo Azurin nais iparating ng Usapang HAUZ ang napaka epektibong adbokasya ni Gen. Calanoga ang Bantay Lahat, Lahat Bantay na siyang bibit ng mahusay na heneral sakaling mabigyan ng RD position.
***
Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036