Advertisers
WINALIS ng Adamson University Lady Falcons ang University of the Philippines Lady Maroons,25-18,25-17,25-23, sa UAAP Season 85 women’s volleyball tournament Miyerkules sa Mall of Asia Arena.
Bumangon ang Lady Falcons mula sa four-set loss sa La Salle nakaraang Linggo,para umakyat sa 5-2 kasosyo ang University of Santo Tomas sa third place.
Pinamunuan ni Kate Santiago ang opensiba ng Adamson sa tinipang 16 markers on 12 attacks,three blocks at one ace.
“Noong natalo kami sa La Salle, as one kami natalo kaya sabay-sabay din kami babawi,” Wika ni Santiago. “Pinag-aralan po talaga namin paano po bumawi at paano talunin ang UP.”
UP ace hitter Alyssa Bertolano umiskor ng 12 points.
Ang nag-iisang panalo ng UP sa first round (1-6) ay galing sa winless UE side. Ang UP ay bigo ang sumunod na apat na laban.