Advertisers

Advertisers

AIRASIA PHILIPPINES, NAGPAALALA SA EPEKTIBONG TIP PARA IWAS SA ABALA SA BIYAHE

0 191

Advertisers

IPINAHAYAG ng AirAsia Philippines ang kahandaan nitong tulungan ang lahat ng bisita nito sa pagkakaroon ng maayos at maginhawang proseso ng paglilipat sa paliparan nang walang abala.

Pinapaalalahanan ng The World’s Best Low Cost Airline ang mga guests ng pinakaepektibong tip upang maiwasang ma-offload sa mga internasyonal na paglalakbay.

Pinayuhan ng AirAsia Philippines ang lahat na maglaan ng sapat na oras bago ang nakatakdang pag-alis kung saan ay dapat nasa airport 4 na oras bago ang flight para sa internasyonal na paglalakbay at 3 oras para sa domestic travel.



Dapat ding tiyakin ng mga bisita o pasahero na ihanda ang lahat ng kinakailangang dokumento, lalo na para sa mga internasyonal na biyahe: isang pasaporte, isang round-trip itinerary, isang visa, kung kinakailangan, at iba pang mga sumusuportang dokumento tulad ng isang sertipiko ng trabaho, buwis sa kita, at isang sertipiko ng bangko upang ma-validate ang layunin ng paglalakbay ng pasahero.

Upang maiwasan ang mahabang pila sa check in counter, pinapayuhan ang mga bisita na mag-check in flight sa pamamagitan ng airasia Super App.



“Naiintindihan namin ang mga sentimyento ng mga biyahero na na-offload sa iba’t ibang dahilan. Ramdam namin ang kanilang mga frustrations lalo na’t karamihan sa kanila ay tiyak na nakaipon ng pera at naghanda para sa kanilang pinapangarap na bakasyon ngayong summer. Para sa makataong mga kadahilanan, tutulungan ng AirAsia ang mga bisitang ma-offload sa pamamagitan ng aming customer happiness team. Gayunpaman, kaisa tayo ng gobyerno sa pagtiyak na ang mga Pilipino ay hindi mabibiktima ng human trafficking at illegal recruitment.” sinabi ni AirAsia Philippines Communication and Public Affairs Country Head Steve Dailisan

Samantala, pinapayuhan ang mga bisitang may mga tanong sa iskedyul ng flight, rebooking, at iba pang mga isyu na nauugnay sa paglalakbay na i-access ang ‘Ask Bo’, ang bagong customer concierge service ng AirAsia na pumapalit sa AVA. Ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa kabilang banda, ay nag-aalok ng online na pagbabayad para sa Philippine Travel Tax sa pamamagitan ng online travel tax services system. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">